'Diplomatic kotongan' sa Pasay City Hall
February 21, 2003 | 12:00am
PASAY City Mayor Peewee Trinidad, ipinaabot ko sa iyo ang mga "kabalbalan" na pinaggagawa ng ilan sa inyong mga tauhan diyan sa iyong city hall.
Bantayan mong mabuti ang iyong Tourism at Engineering Departments. Kumpirmado na namin ang raket ng mga hinayupak. Lingid sa kanilang kaalaman, nagawa naming mai-tape ang aming usapan sa telepono.
Dokumentado ang nasabing usapan at pasok na ito sa file ng BITAG at Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.
Puwede palang "makipag-tawaran" sa iyong mga tauhan na parang isdang binibili sa palengke. Ang kinakailangan lang ay magaling ka pagdating sa baratan. Huwag mo lang idaan sa mainit na usapan.
Ang P2,500.00 na charges kuno ay magagawang P500.00. Walang resi-resibo. Dahil sa totoo lang, wala naman talagang ganoong charges. Maaaring "padulas". Pero sa BITAG, ang tawag namin dito ay "diplomatic extortion".
Ano ba talaga ang pinaggagawa ng inyong Tourism Department diyan sa Pasay? Lalo na yang nagngangalang Ely Alcantara sa Room 219 ng Pasay City Hall?
At yang inyong Engineering Department, partikular si Mr. Ramon Montalban, bilib kami sa kanyang kabaitan. "Robin Hood" ang kanyang style.
"Maganda" ang kaniyang prinsipyo. Dinaig pa si Ali-baba sa "Alladin". Sinisiguro niya na lahat ay napapartehan. Kapag siyay nabigyan, kasama ang kanyang mga tauhan.
Ang problema, hindi kami nakakatiyak kung napupunta nga ito sa kanyang mga tauhan o ginagawa niya lang silang "sangkalan" nang mabigyan pa ng malaki-laki.
Magaling pagdating sa package deal. At alam niya ang prinsipyo ng "hole-selling". As in binubutasan yung "ginagatasan".
Kaya heto, Mayor Trinidad, kailangan mong maglibot sa loob ng iyong city hall. Itoy magaling na exercise. Itaga mo sa bato, matatapyasan yang iyong baywang sa harapan, kapag sinunod mo ang payo ng BITAG.
At sa ganitong paraan, mababantayan mo ang iyong mga tauhan, at mababawasan mo ang kanilang kadupangan. Mayor Trinidad, kung interesado ka aksiyunan ang reklamong ito, nandito lang kami sa BITAG at Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Kumpletos rekados sa iyong mga pangangailangan.
At kung gusto mo, iparirinig namin sa iyo ang nilalaman ng aming usapan sa tape.
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 9325310/9328919. Magbasa ng diyaryong PM (Pang-Masa) tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang "BITAG" tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.
E-mail us: [email protected]
Bantayan mong mabuti ang iyong Tourism at Engineering Departments. Kumpirmado na namin ang raket ng mga hinayupak. Lingid sa kanilang kaalaman, nagawa naming mai-tape ang aming usapan sa telepono.
Dokumentado ang nasabing usapan at pasok na ito sa file ng BITAG at Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO.
Puwede palang "makipag-tawaran" sa iyong mga tauhan na parang isdang binibili sa palengke. Ang kinakailangan lang ay magaling ka pagdating sa baratan. Huwag mo lang idaan sa mainit na usapan.
Ang P2,500.00 na charges kuno ay magagawang P500.00. Walang resi-resibo. Dahil sa totoo lang, wala naman talagang ganoong charges. Maaaring "padulas". Pero sa BITAG, ang tawag namin dito ay "diplomatic extortion".
Ano ba talaga ang pinaggagawa ng inyong Tourism Department diyan sa Pasay? Lalo na yang nagngangalang Ely Alcantara sa Room 219 ng Pasay City Hall?
At yang inyong Engineering Department, partikular si Mr. Ramon Montalban, bilib kami sa kanyang kabaitan. "Robin Hood" ang kanyang style.
"Maganda" ang kaniyang prinsipyo. Dinaig pa si Ali-baba sa "Alladin". Sinisiguro niya na lahat ay napapartehan. Kapag siyay nabigyan, kasama ang kanyang mga tauhan.
Ang problema, hindi kami nakakatiyak kung napupunta nga ito sa kanyang mga tauhan o ginagawa niya lang silang "sangkalan" nang mabigyan pa ng malaki-laki.
Magaling pagdating sa package deal. At alam niya ang prinsipyo ng "hole-selling". As in binubutasan yung "ginagatasan".
Kaya heto, Mayor Trinidad, kailangan mong maglibot sa loob ng iyong city hall. Itoy magaling na exercise. Itaga mo sa bato, matatapyasan yang iyong baywang sa harapan, kapag sinunod mo ang payo ng BITAG.
At sa ganitong paraan, mababantayan mo ang iyong mga tauhan, at mababawasan mo ang kanilang kadupangan. Mayor Trinidad, kung interesado ka aksiyunan ang reklamong ito, nandito lang kami sa BITAG at Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO. Kumpletos rekados sa iyong mga pangangailangan.
At kung gusto mo, iparirinig namin sa iyo ang nilalaman ng aming usapan sa tape.
E-mail us: [email protected]
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended