^

PSN Opinyon

Paging PNP bossing, Sir!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HINDI iyak kundi atungal ng isang bakang nagwawala ang maririnig sa mga personeros, brokers at iba pang customs importers na may transaksiyon sa Aduana. Masyado raw mangotong ang mga tarantadong ahente ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ayon sa sumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO.

Sandamakmak ang operating unit ng CIDG sa Bureau of Customs at ang lahat ng mga ito ay puro pitsa lang ang lakad.

Mula pier hanggang airport ay nakatanghod ang mga ugok na walang ginawa kundi maghintay ng masisilat na importers.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO na parang hindi alam ni CIDG bossing Matillano ang nangyayari o patay malisya lamang ito.

Dapat bang kunsintihin ng isang lider ang mga kagaguhan ng kanyang mga ahenteng bugok?

Malapit na kasi ang 2004 at baka masibak sila sa kanilang mga puwesto kaya maraming nagmamadaling lumikom ng chapit kahit na sa anumang paraan. DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.

Napakaraming naglipanang task force sa Aduana kahit nagtalaga si Prez GMA ng Anti-Smuggling Task Force dito. Ang mga sinasabing unit ng CIDG na inginuso sa mga kuwago ng ORA MISMO ay ang CIDO, DISSO, Anti Fraud at OBC.

Ang pitsang nadedenggoy ng mga bugok ay pumapasok daw sa bulsa ng mga kurap na opisyal na may codename bilang Col. Divine, Col. Pera-pera Na, Col. Rico Bono at isang taga-PAOCTF na umaalagwa ang name bilang Major Hangal-ngal.

Alam naman nating wala ng PAOCTF pinalitan ito ng KA-OK ewan lang natin kung totoo ang impormasyong pinaabot sa atin, he-he-he!

Kung hindi aaksiyon si PNP bossing Jun Ebdane, tiyak kong mag-aaklas ang mga negosyanteng may transaksyon sa Aduana ilang araw mula ngayon.

Kung ako sa mga buteteng laot na opisyal daw ng CIDG, siguro mas maganda kung magbitiw muna sila sa kanilang tungkulin at sa Customs sila mag-apply porke may tanggapan ngayon dito. Di ba Customs Commissioner Tony Bernardo, Your Honor?

‘‘Ok lang kung tinutuluyan at pinagbabayad ng tamang buwis ang mga gagong nahuhuli porke niloloko ng mga hunghang ang gobyerno,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Kaso pera-pera ang lakad kaya hindi tumino ang gobyerno?’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Baka naman may proper coordination sa Customs ang mga kamoteng taga-CIDG?’’ pailing na sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng kanyang sariling galis.

‘‘Ang masama ay binabangketa lang at kakausapin ang mga operators tungkol sa weekly intelihensiya nila kapag sinilat nila ang shipments.’’

‘‘Iyan sa palagay ko hindi dapat!’’ sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

‘‘Ang alin ang pangingikil?"

‘‘Hindi.’’

‘‘Ang hindi sila magbigay ng tara.’’

ANTI FRAUD

ANTI-SMUGGLING TASK FORCE

BUREAU OF CUSTOMS

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION GROUP

CUSTOMS COMMISSIONER TONY BERNARDO

JUN EBDANE

MAJOR HANGAL

YOUR HONOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with