Halimbawa ang pandaraya sa pagkain ng mga hayop. Kaparehong-kapareho ng tunay na pagkain.
Dinikdik na tuyong isda Sa halip na isda ay nilalagyan ng tuyong dumi ng kalabaw o kabayo.
Darak sa halip na ipa Ang giniling na balat ng kape ang ginagamit.
Busal ng mais ginigiling ito at hinahalo sa pagkain ng hayop.
Buhangin inihahalo para bumigat ang isang sakong pagkain ng hayop. Nabubusog ang baboy pero hindi tumataba.
Hindi lang sa pagkain sa hayop kundi maging sa paninda ay ginagawa ang pandaraya.
Buto ng papaya ginigiling at inihahalo sa paminta. Kaya pag ang paminta ay walang lasa o hindi kumakagat, ang ibig sabihin iyon ay buto ng papaya.
Lupa inihahalo sa ipinagbibiling abono o pataba. Kaya marami sa magsasaka ang pilit na pinabubuksan ang sako para masigurado kung ang binili ay pataba.
Lumang diyaryo ang pahina sa loob ay winiwisikan ng tubig para bumigat. Kasi ang bilihan ng lumang diyaryo ay per kilo.
Karneng manok iniiniksyunan ng tubig para bumigat.
Mag-ingat, maraming marunong subalit ginagamit sa panloloko.