Bitay sa utak ng pyramid Gringo
February 17, 2003 | 12:00am
MARAMI sating mga Pinoy ang gustong maging instant millionaire imbes na magsumikap upang marating ang pangarap na yumaman. Iyan ang dahilan kung bakit sari-saring racket ang sumusulpot.
Tulad na lang nitong tinatawag na "pyramid scam." Marami na tayong naibalitang nalansi ng ganitong tahasang panloloko. Sa kabila niyan, hindi pa rin nadadala ang maraming Pinoy. Tinataya na sa P70 bilyon ang nakulimbat ng ganitong panloloko sa maraming Pilipinong naghahangad ng easy money.
Tama lang na patawan ng pinakamabigat na parusang kamatayan ang mga utak ng ganitong panloloko. At iyan mismo ang proposal sa Senado ni Senador at "vice presidentiable" Gregorio Honasan na kamakailan ay nanguna sa survey ng SWS. Mantakin nyo ang dambuhalang halagang nahahakot ng mga hinayupak na pasimuno ng pyramid. Sapat para lutasin ang problemang pangkabuhayan ng bansa. Makakalikha ng trabaho para sa mga kababayan nating dahop.
Kung tutuusin, maituturing na "plunder" iyan na may parusang kamatayan. Kaya ipinapanukala ni Honasan ang trigger amount, para masampahan ng kasong plunder ang dawit sa pyramiding sa P50 milyon.
Maraming mga kompanyang gumagawa ng pyramiding tulad ng Multitel, Tibayan Group, Mateo Management Groups at iba pa na kasalukuyan nang sinisiyasat ng pamahalaan. Yung konting retirement benefit ng mga tao ay sinasamantala. Hinihikayat na mag-invest, yun palay maglalahong parang bula ang pinagpagurang salapi!
Sabi nga ni Honasan, matatawag na "con artist" ang mga tiwaling negosyanteng ito. Magaling silang magpaliwanag. Sa husay nilang magsalita, makukumbinsi nila ang isang tao sa kanilang konsepto na paulit-ulit nang pumalpak kung iisipin. Kaya sa mga tulad kong nangangarap yumaman, "Magsumikap at huwag magpapaloko. Kung tayo ba naman eh nagsusumikap edi..etc..etc..etc."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended