Ayaw ko ng giyera
February 16, 2003 | 12:00am
Di kani-kanino ang pitak na ito
Sa paggigirian ng Iraqis-Kano;
At kung tatanungin sa nasabing isyu
Ayaw ko ng gyera ayaw ko ng gulo!
Ang hangarin lamang nitong ating pitak
Ang kapayapaan lang syang lumaganap;
Kung magkakadigma bayay maghihirap
Ang mga sundalo ay ipatatawag!
At sapagkat tayoy bansang demokrasya
Ang ating kapanig bansang Amerika;
Sa United Nations tayo ay kasama
Kahit ayaw natiy sasabak sa gyera!
Sa paglalabanan ng dalawang bansa
Mayroong matatalo at may darakila;
Syempre pay ang hangad ng diwang malaya
Ang kapayapaan syang bumandila!
Kung maiiwasan sanay huwag ibaon
Watawat ng US sa bansang may lason;
Ipagdasal natin na bukas at ngayon
Magkasundo sila sa gawait misyon!
Malakas ang US saka ang Britanya
Tiyak mawawasak ang bansang kaliwa;
Ang malungkot ditoy napapariwara
Ang mga karamay na bansang mahina!
Kaya ang marapat sa panahong ito:
Ang United Nations maging matalino;
Ang kanyang desisyon paghariin nito
Mamagitan siya sa dalwang magulo!
Sa paggigirian ng Iraqis-Kano;
At kung tatanungin sa nasabing isyu
Ayaw ko ng gyera ayaw ko ng gulo!
Ang hangarin lamang nitong ating pitak
Ang kapayapaan lang syang lumaganap;
Kung magkakadigma bayay maghihirap
Ang mga sundalo ay ipatatawag!
At sapagkat tayoy bansang demokrasya
Ang ating kapanig bansang Amerika;
Sa United Nations tayo ay kasama
Kahit ayaw natiy sasabak sa gyera!
Sa paglalabanan ng dalawang bansa
Mayroong matatalo at may darakila;
Syempre pay ang hangad ng diwang malaya
Ang kapayapaan syang bumandila!
Kung maiiwasan sanay huwag ibaon
Watawat ng US sa bansang may lason;
Ipagdasal natin na bukas at ngayon
Magkasundo sila sa gawait misyon!
Malakas ang US saka ang Britanya
Tiyak mawawasak ang bansang kaliwa;
Ang malungkot ditoy napapariwara
Ang mga karamay na bansang mahina!
Kaya ang marapat sa panahong ito:
Ang United Nations maging matalino;
Ang kanyang desisyon paghariin nito
Mamagitan siya sa dalwang magulo!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended