^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Sunud-sunuran na kay Uncle Sam?

-
ANG pagiging masunurin kung minsan ay nagbubunga nang hindi mabuti. Dahil sa "amen nang amen" ay nahuhulog na sa hukay ng panganib. Ganito ang nagiging senaryo ngayon sa Pilipinas dahil sa pagiging malapit nito sa United States.

Matindi ang tensiyon ngayon dahil sa napipintong pag-atake ng US sa Iraq. Lahat ng paraan ay ginagawa ng US para tuluyan nang patalsikin si Saddam Hussein. Naniniwala ang US na kung hindi mapapatalsik si Saddam nasa panganib ang sangkatauhan dahil sa itinatago nitong "weapons of mass destruction". Nakatatakot. Nakagigimbal ang kasasapitan ng sangkatauhan. Ipinakita ng US sa Security Council Meeting ang chemical at biological weapon na iniimbak ni Saddam.

Ang pagpapakita ng mga ebidensiya ang lubusang nagkumbinsi kay President Gloria Macapagal-Arroyo na dapat na ngang gumawa ng aksiyon laban sa Iraq. Dapat nang mawasak ang "weapons of mass destruction". Todo suporta na sa pagdurog sa terorismo. Ang ganitong aksiyon ni Mrs. Arroyo ay labis na ikinatuwa ni US President George W. Bush. Nagpasalamat siya sa suporta ng Pilipinas. Unang nagpakita ng simpatya si Mrs. Arroyo kay Uncle Sam nang umatake ang mga terorista sa New York noong September 11, 2001. Ang kasunod ay ang lubusan pang paglalapit ng Pilipinas at ni Uncle Sam. Naaprubahan ang Visiting Forces Agreement sa kabila na marami ang tutol. Nagkaroon ng Balikatan exercise.

Ngayo’y malawak ang hinaharap na gulo sa Iraq. At damay na rito ang Pilipinas. Pinatalsik ng Pilipinas ang Iraqi diplomat noong Biyernes dahil sa pagkakasangkot nito sa mga bandidong Abu Sayyaf. Pinalayas ng Pilipinas si Husham Hussain, second secretary ng Iraqi Embassy. Batay sa report ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) may kaugnayan si Hussein sa pambobomba ng Abu Sayyaf sa Zamboanga City noong October 2002 kung saan isang Amerikanong sundalo ang napatay.

Ang nakapagtataka, pinatalsik si Hussain, isang araw makaraaang tawagan ni President Bush si Mrs. Arroyo. Isa pang nakapagtataka, October pa nangyari ang pambobomba subalit ngayon lamang nag-react ang Pilipinas. Bakit hindi noon pa pinatalsik si Hussain at ngayong mainit ang tension sa Iraq saka gumawa ng hakbang?

Sunud-sunuran na ang Pilipinas kay Uncle Sam. Hindi kaya hatakin tayo sa kapahamakan nang labis na pagkamasunurin?

ABU SAYYAF

HUSHAM HUSSAIN

HUSSAIN

IRAQI EMBASSY

MRS. ARROYO

NATIONAL INTELLIGENCE COORDINATING AGENCY

NEW YORK

PILIPINAS

UNCLE SAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with