Pagpapagaling sa bingi't utal
February 14, 2003 | 12:00am
SI Jesus ay nagsagawa ng maraming himala. Nagpagaling siya ng isang bingit utal. Ang bingit utal ay una munang bingi. Wala siyang marinig na anumang tunog. Ang isang sanggol ay natututong magsalita sa pamamagitan nang paggaya sa mga tunog na kanyang naririnig. Ang taong bingi, samakatuwid, ay hindi rin makapagsalita.
Tingnan natin kung paanong tinulungan ni Jesus ang isang bingit utal na dinala sa kanya ng mga tao (Mk. 7:31-37).
"Pagbabalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon at nagtuloy sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. Dinala sa kanya ang isang lalaking bingi at utal at ipinamanhik nila na ipatong sa taong ito ang kanyang kamay. Inilayo muna siya ni Jesus sa karamihan, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos, lumura at hinipo ang dila nito. Tumingala si Jesus sa langit at nagbuntong-hininga, at sinabi sa tao, Effata, ibig sabihiy mabuksan! At nakarinig na ito, nawala ang pagkautal at nakapagsalita na nang malinaw."
Sinabi ni Jesus sa mga tao na huwag ibalita ito kaninuman; ngunit kung kailan sila pinagbabawalan ay lalo naman nilang ipinamamalita ito. Silay lubhang nanggilalas, at ang wika, Anong buti ng lahat ng kanyang ginawa! Nakaririnig na ang bingi, at nakapagsasalita na ang pipi!
Itala natin kung ano ang ginawa at paano pinagaling ni Jesus ang bingit utal. Inilayo niya ito sa karamihan. Binuksan niya muna ang pandinig nito. Ito ay upang matutunan ng lalaki ang pakikinig sa mga tunog.
Pagkatapos, lumura siya at hinipo ang dila ng lalaki. Sa huli, inutusan ni Jesus ang mga tainga ng lalaki na mabuksan; pagkatapos, ang dila ay nakapangusap. Nakakarinig na ang lalaki. Sa unang pagkakataon, narinig ng lalaki ang tinig ng mga tao. Sa unang pagkakataon, nakapagsalita na ito na naiintindihan ng mga tao.
Napaka-dakilang himala. Kaybuti ni Jesus. Kaylaking tuwa ng lalaki. Ngayon, maaari na siyang makipagtalastasan sa kanyang kapwa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am