Katangahan awards
February 14, 2003 | 12:00am
LUMABAS na ang 2002 Darwin Award winners. Ibinibigay ito sa pinaka-malalaking katangahan nagawa. Ang first prize ay napunta kay holdaper James Elliot. Kinalabit niya ang gatilyo ng .38-caliber revolver habang may binibiktima sa Long Beach, California. Nang hindi ito pumutok, ginawa niya ang kataka-taka. Sinilip niya ang dulo ng barel at kinalabit muli. Pumutok na...
Ilang honorable mention: Naputol ang daliri ng chef sa Swiss hotel habang nagi-slice ng karne sa electric cutter. Matapos magtatalon sa sakit, nag-file siya ng accident insurance claim. Suspetsa ng examiner pabaya ang chef, kaya nag-inspect ito sa hotel. Sinubukan ang electric cutter at naputulan din ng daliri ang inspector. In-approve ang claim.
Huminto sa bar ang lasenggong Zimbabwe bus driver. Nakawala ang 20 mental patient na dapat niya dalhin sa Harare. Atubiling umamin ng kasalanan, tumungo siya sa bus stop at nag-offer ng libreng sakay sa mga naghihintay. Ihinatid niya sila sa mental hospital, at sinabihan ang staff na magalitin ang mga sakay at mahilig gumawa ng kuwento. Inabot ng tatlong araw bago madiskubre ang katotohanan.
Lumapit sa kahero sa Louisiana mall ang isang mama at naglatag ng $20 para pabaryahan. Nang buksan ang cash register, tinutukan niya ng baril ang kahero at inutos iabot lahat ng pera. Nanginginig sumunod ang kahero. Tumakbo ang mama at iniwan ang $20 niya. Ang binigay ng kahero: $12.
Ito ang pang-Hall of Fame: Tinangka ng isang bum na nakawan ng gasolina ang motor home na nakaparada sa Seattle. Nang dumating ang pulis, dinatnan nila ang lalaking malubha ang sakit. Binuksan niya kasi ang tangke sa ilalim ng motor home, isinaksak ang hose, at sinipsip ang laman para i-siphon papunta sa dala-dalang balde. Kaso, hindi pala iyon tangke ng gasolina, kundi ng sewage na galing sa kubeta ng motor home. Sa katatawa, hindi na nakuhang magdemanda ng may-ari.
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am