^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Anong klaseng bilangguan?

-
BILIBID it or nat, pero dito lamang sa Pilipinas makatatagpo ng bilangguang super luwag at super pabaya ang mga namumuno at mga guwardiya. Dahil sa kanilang kapabayaan at kaluwagan, nakatatakas ang mga preso.

Anim na kidnapping suspects ang pumuga sa Quezon City Jail noong Martes. Sinabi ng mga imbestigador na nilagari ng mga bilanggo ang rehas dakong 2:50 ng madaling-araw at sumampa sa bakod sa kanlurang bahagi ng jail. Tumalon sa bakod at deretso sa nag-aabang na maroon Tamaraw FX. Ang anim ay nakilalang sina Jaime Muog, Edgar Alvarez, Felicisimo Laygo, Benjamin Dy, Prieto Arena at Antonio Tan. Walang kamalay-malay ang mga guwardiya na ang kanilang ginuguwardiyahan ay nakasibat na. Habang sinusulat ang editorial na ito, wala pang nadarakip sa mga pumuga.

Sinibak na sa puwesto ang jail warden na si Supt. Emilio Culang at ang mga jail officers na sina John Wahing, Joaquin Campo at Felix Marcos. Ililipat na umano sila sa ibang lugar. Ang pagsibak ay batay sa kautusan ni Interior Sec. Jose Lina Jr. Dahil sa pagkakatakas ng anim na bilanggo, biglang nagkaroon ng paghihigpit sa nasabing jail.

Lagi namang ganyan ang nangyayari, kapag may nakatakas na bilanggo ay maghihigpit. Kapag nakalipas na ang ilang araw, balik sa kaluwagan. Kapag may nakatakas na naman, saka lamang maghihigpit. Ganyan umiikot ang buhay sa maraming bilangguan sa buong Pilipinas.

Pinlano ang pagtakas ng anim na bilanggo, ayon sa mga opisyal ng QCJ. Natural naman. Hindi naman basta makatatakas kung hindi pinagplanuhan. Pati nga sasakyan nila ay nakahanda na. Ang pinaka-mabigat, siguradong may kasabwat na taga-loob ang anim. Maaaring ang isa sa tatlong jail guard. Paano nagkaroon ng lagaring bakal (heavy duty pa) ang mga bilanggo. Maipapasok ba ang ganoong kalaking lagari na hindi mapapansin ng jailguard. Imposible ’yan. Sinabi naman ng isang QCJ official na walang kakutsaba sa loob ang mga bilanggo. Sino ang maniniwala sa kanya?

Talamak ang corruption sa mga bilangguan. Pera-pera rin ang katapat ng lahat para maging maayos ang lahat. Kung nais maging "VIP" maghanda ng pera. Kung gustong magbenta ng shabu, maghanda ng pera. Kung gustong tumakas, maghanda ng pera. Dapat patawan ng mabigat na parusa ang mga jail warden at jailguards na matatakasan ng preso. Kamay na bakal ang dapat sa kanila.

vuukle comment

ANTONIO TAN

BENJAMIN DY

EDGAR ALVAREZ

EMILIO CULANG

FELICISIMO LAYGO

FELIX MARCOS

INTERIOR SEC

JAIL

JAIME MUOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with