^

PSN Opinyon

Mga kasabihan sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MARAMING mga kasabihan sa nayon na ginagamit araw-araw. Dahil taga-siyudad ako ay nagkainteres akong alamin ang mga kasabihan. Ang ilan ay hindi ko nauunawaan kaya nagtanong sa mga nakakatanda. Narito ang mga halimbawa.

Kabagang — tawag sa magkakampi.

May bara ang ilong — masama ang pakitungo sa kanyang kapwa.

Basa ang papel — masama ang rekord.

Nabasag ang banga — karaniwang patungkol sa babaing nasira ang puri.

Hindi pantay ang bayag — tawag sa lalaki na mahirap pakisamahan o pakitunguhan.

Bigting buwaya — tawag sa taong busog na busog sa pagkain.

Bilang nang bilang, walang binibilang — tawag sa taong binibilang na ang sisiw kahit hindi pa napipisa ang mga itlog.

Amoy kahoy — tawag sa taong mapagpabaya.

Mabaho ang utak — taong may nakatagong kasamaan.

Kaliskis buwaya — tawag sa ulap na tulad sa balat ng buwaya.

Bantay bukid — mapagpabayang guwardiya.

Mang-aso — mandaya.

vuukle comment

AMOY

BASA

BIGTING

BILANG

DAHIL

KABAGANG

KALISKIS

MABAHO

NABASAG

NARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with