Problema ng magsasapatos ng Marikina
February 12, 2003 | 12:00am
ANG Marikina ay kinikilalang "shoe capital" ng Pilipinas. Ang Marikina shoes ay bantay hindi lamang dito kundi maging sa ibang bansa. May nakatutuwang komento ang isang Pilipino na nakabili ng sapatos sa abroad. Akala niyay iyon ay imported shoes na nabili niya, yun palay yaring Marikina na ang quality ay hindi pahuhuli sa American at Italian shoes.
Noong nakaraang Disyembre, nalagay sa Guinness Book of World Records ang pinakamalaking sapatos sa mundo na gawa sa Marikina. Ang giant shoes na naka-display sa Marikina Sports Center ay sumusukat ng 145 feet. Gawa ito sa balat ng baka, may disenyong classic at timeless at tinapos sa loob ng 77 araw.
Makasaysayan ang recognition na ito ng Guinness Book of World Records at talaga namang pinagmamalaki ng mga taga-Marikina na 20 percent ng populasyon ay gumagawa ng sapatos. Ayon kay Mayor Marites Fernando, dapat na makita ng lahat ang naka-display na sapatos at libre ang pagpasok sa Sports Center at makapamili pa ng mga murang sapatos at matutunghayan din ang kontrobersiyal na shoe collection ni dating First Lady Imelda Marcos.
Ang globalization at smuggling of imported shoes ang inireklamo ng mga Marikina shoemakers. Nagkalat ang mga smuggled shoes sa mga bangketa at shopping malls na karamihan ay galing sa China. Murang ibinebenta ang mga smuggled shoes na ang kalidad ay mahina kaya madaling masira. Ayon kina Norman Aroda at Armando Javier, dalawa sa pinakamatagal na shoemakers sa Marikina, matagal na ang smuggling ng mga imported shoes na baka sa Baclaran, Divisoria at maging sa mga tiangge, malaki ang kikitain ng mga shoe manufacturers ng Marikina na talaga namang tinitiyak na de-kalidad ang mga sapatos na gawang Marikina.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest