^

PSN Opinyon

Mga paniniwala sa nayon

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MARAMING pamahiin at paniniwala ang mga taga-nayon. Ang mga galaw at pasya ng mga magsasaka ay nakasalalay sa kanilang paniwala. Nang mapatira ako sa nayon ay iginalang ko ang kanilang paniniwala.

Isa si Tata Poloniong sa maraming pamahiin at pinaniniwalaan. Siya ang nagsabi sa akin ng ilang pamahiin.

Ang tungkol sa panganganak ng ina ay isa sa kanyang ikinuwento.

Dapat gamitin ng hilot sa pagputol ng pusod ng sanggol ang instrumento na nakukuha sa loob ng nayon. Kung gawa sa ibang bansa gaya ng gunting o kutsilyo ay magiging lagalag at mawawalay sa pamilya. Gusto ng mga pamilya sa nayon na magkasama sila at huwag magkawatak-watak. Kaya madalas ay ginagamit na pamputol sa pusod ng sanggol ay ang buho. May mga pamilya na isang buho lang ang ginagamit para sa lahat ng mga anak para malakas ang kanilang pagkakaisa at sama-samang lagi.

Pagluwal ng bata, pinuputol ng hilot ang pusod na mahaba at abot sa pisngi. Idinadampi sa dalawang pisngi ng sanggol sa paniwalang ang bata ay magkakaroon ng biloy (dimples).

Ang inunan (placenta) ng bata ay binabalot ng mga magulang sa diyaryo at nilalagyan ng lapis at kuwaderno para maging marunong ang bata. Paborito ang kuwadernong marka Rizal para maging kasing galing ni Gat Jose Rizal.

Pinipili ang lugar sa paligid ng bahay kung saan dumadaloy ang tubig ng ulan mula sa bubungan ng bahay. Para marami raw makuhang biyaya ang bata paglaki.

DAPAT

GAT JOSE RIZAL

IDINADAMPI

ISA

KAYA

NANG

PABORITO

PAGLUWAL

TATA POLONIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with