^

PSN Opinyon

Koleksiyon ni Lacson

SAPOL - Jarius Bondoc -
CAREFUL, careful, ika nga ni Inday Badiday. Sabi kasi ni Sen. Panfilo Lacson tumataba ang puso niya sa pa-going ang mga Filipino-Americans para tulungan siyang bayaran ang $3-milyong damage award sa isang negosyante sa California. Careful, careful, kasi baka mawasak-dibdib si Lacson kung dumami lalo ang kaso niya dahil sa ambagan nila.

Paalala ng isang human-rights lawyer, labag sa Code of Conduct and Ethical Standards na humingi o tumanggap ng ano mang regalo ang isang opisyal. Kulong siya lalo na kung, ayon sa Presidential Decree 46, "ang regalo o mahalagang bagay ay binigay dahil sa posisyong tangan."

Nagsalita kamakailan si Lacson sa Caviteños of Los Angeles. Ayon sa leader nila, mag-aambagan sila para tulungan man lang si Lacson bayaran ang abogadong Michael Cardozo para ipawalang-sala siya. Mahal si Cardozo, paga-$50,000 (P2.7 milyon) ang retainer. Una raw nag-donate ang isang nurse ng $100. Magbibigay din ang mga dating kaklase ni Lacson sa military academy na ngayo’y nasa Amerika na.

Natalo si Lacson nu’ng Enero sa demandang slander at intentional infliction of emotional distress kay Blanquita Pelaez ng Alameda county. Nilait-lait kasi ng senador ang babae sa speech niya sa Fil-Am leaders sa Alameda nu’ng Setyembre 2001. Inamin din ni Lacson sa speech na pina-blacklist niya si Pelaez bilang PNP supplier nu’ng hepe pa siya. Hinabla tuloy siya ni Pelaez ng intentional interference in business relations niya sa Smith & Wesson. Ani Pelaez, inipit ni Lacson ang bayad sa 31,262 posas ng Smith & Wesson na binenta niya sa PNP noon pang 1997. Sinuway kasi niya ang utos ni Lacson na kasuhan ang 123 PNP officers na nag-approve ng kontrata sa posas at nais ni Lacson palitan ng mga bata niya.

Pasya ng korte, bayaran ni Lacson si Pelaez ng $3-milyong danyos.

Naghahasa na ng itak si human-rights lawyer. Oras na tanggapin ni Lacson ang $3-milyong (P170 milyon) ambag ng Fil-Ams para ibayad kay Pelaez, ihahabla niya ito ng plunder. Ayon sa batas, kapag tumanggap ang isang opisyal ng mahigit P50 milyon sa serye o kombinasyon ng ipinagbabawal na gawain, kulong siya habambuhay.

ANI PELAEZ

AYON

BLANQUITA PELAEZ

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

INDAY BADIDAY

LACSON

LOS ANGELES

MICHAEL CARDOZO

NIYA

PELAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with