Sec. Lina ipaaresto mo si Moli at Gaynor!
February 10, 2003 | 12:00am
SUBUKAN natin kung hanggang saan ang tibay ni alyas Moli, ang gambling lord sa Laguna, ang hometown ni Interior Secretary Joey Lina. Nakarating sa akin na palaging nagyayabang si Moli na umanoy hindi kayang banggain ni Lina ang kanyang jueteng operation dahil inayos na niya ang lahat ng maaring makapagsupil sa kanya. At kung bakit tahimik din si Sen. Supt. Corvera, ang hepe ng Laguna PNP laban kay Moli ay ang bulsa lang niya ang nakakaalam. He-he-he! Bulsa muna bago trabaho, yan ata ang patakaran ng PNP sa ngayon.
Kung hindi masupil ni Corvera si Moli, paano maniniwala ang sambayanan na kaya niyang lutasin ang sunud-sunod na malalaking kaso diyan sa Laguna? May nagawa ba siyang kaukulang hakbang para idisiplina ang kanyang mga tauhan na sangkot sa extortion tulad na ginawa ng isang unit diyan at ang pagpaslang sa isang mayaman na balak kidnapin ng grupo ng pulis? Lumalabas na hindi kaya ni Corvera na busalan ang mga bata niya. Pero bakit kapag si Moli ang tumawag eh mabilis pa siya sa alas-kuwatro para makipagharap sa una, anang mga pulis na nakausap ko.
Kung sabagay, sandal sa pader si Moli dahil opisyal na kolektor siya ng intelihensiya ni Chief Supt. Enrique Galang, ang hepe ng Region 4, anang mga pulis. Maliban sa pagpatakbo ng jueteng sa Laguna, si Moli rin pala ang nag-iikot sa buong Region 4 para kay Galang ano ba yan. Milyon ang iniakyat na intelihensiya ni Moli kay Galang kayat hindi nalalayo na lalong lalabo ang mata ng huli sa kabibilang ng pera niya, anang mga pulis. Ano ba yan? Ayon pa kay Moli, isang alyas Gaynor, na umanoy reporter ng isang tabloid, ang taga-ayos niya sa media. He-he-he!
Nagkabistuhan na!
Mukhang hindi kaya ni Galang at Corvera na patigilin si Moli. Eh lalong aatras sina Supt. Igmedio Racmo Cruz, ang hepe ng Task Force Scorpion ng CIDG dahil sosyo laway sila ni Elmer Nepomuceno, ang jueteng genius, sa operation ni Moli. Kung nalinis ni Lina ang Laguna ng jueteng noong governor pa siya, wala nang balakid pa sa ngayon eh DILG na ang hawak niya at may kasalukuyan pa siyang kampanya laban sa jueteng. Ipakita mo sa ngayon ang gilas at bangis mo laban sa jueteng ni Moli na hindi nirespeto ang inumpisahan mo. Sec. Lina Sir! Ipaaresto mo na rin si alyas Gaynor para maputol na ang koneksiyon nila, lalo na sa media.
Kapag hindi nakayanang linisin ni Lina sa jueteng ang kanyang probinsiya sa ngayon, sa tingin ko wala nang balakid para mapugutan siya ng ulo sa Abril 3. Sa araw na iyon kasi magiging isang taon na ang kampanya ni Lina sa jueteng at kung ang operation ni Moli ang gagawing basehan, walang nabago sa takbo ng illegal na pasugalan sa bansa. Hindi nakalimutan ng sambayanan ang pangako niya na ipaputol niya ang kanyang leeg kapag hindi nagtagumpay ang kanyang kampanya. May TV footage pa ito ha mga suki? Huli na para magbulag-bulagan ka pa Sec. Lina Sir. Hala kilos na at hambalusin mo itong sina Moli at Nora.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest