^

PSN Opinyon

Hirit ni Gringo sa US-Iraq war

- Al G. Pedroche -
ISA’T KALAHATING MILYONG OFWs ang tiyak na manganganib sa pagsiklab ng digmaan ng Amerika at Iraq. Dapat pagtuunang pansin ng gobyerno ang mga kababayan nating ito. Tama ang panawagan ni Senador Gregorio Honasan na paglaanan ng gobyerno ng multi-bilyong pisong contingency fund ang seguridad at kabuhayan ng mga kababayan nating ito. Unang-una, hindi natin matantya kung hanggang kailan ang digmaang ito sakaling pumutok.

Puwedeng ilang linggo, ilang buwan o taon. Walang nakaaalam. Panukala din ng Senador na magdaos ng summit ang mga bansang kasapi sa ASEAN upang magkapit-bisig at magkaroon ng nagkakaisang paninindigan sa namimintong digmaan na makaka-apekto tiyak sa buong rehiyon. Iba na ang handa. Hindi yung nakatunganga at puro dasal nang wala namang preparasyong ginagawa. Dapat faith with action sabi nga ng Bible. Kaya katig tayo sa panukala ng Senador.

Aniya dapat may mga nakahandang eroplano at barko na ano mang oras ay puwedeng pakilusin sa paglilikas ng mga OFWs sakaling magsahol ang digmaan. Dapat ding magkaroon ng emergency communications system para hindi maputol ang ugnayan natin at malaman ang nangyayari sa Gitnang Silangan. Mahalaga iyan. Siguruhin din ang sapat na supply ng langis kung magtatagal man ang namimintong digmaan. Hindi rin, aniya, maaalis ang posibilidad na maghasik ng kaguluhan ang mga teroristang kapanalig ni Saddam Hussein sa Pilipinas kung aatake na ang US sa Iraq kaya dapat maging preparado ang ating militar at pulisya para supilin ang bantang ito.

Binabati ko nga pala ang barbero kong si Tolits na fan ni Gringo simula pa noong 1986 EDSA Revolution. Aniya, low profile si Gringo pero kumpara sa mga madadada na walang ginawa kundi manira, mas kanais-nais ang diskarte niya. Walang kulay pulitika. Buking na ng taumbayan ang masamang agenda ng mga pulitikong puro batikos at paninira. Di kataka-taka na sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, nangunguna si Gringo sa mga vice presidentiables. " Iyang si Gringo ang kelangan natin at mapagkakatiwalaan sa 2004." ani Tolits D’Barber.

ANIYA

DAPAT

GITNANG SILANGAN

SADDAM HUSSEIN

SENADOR

SENADOR GREGORIO HONASAN

SOCIAL WEATHER STATION

TOLITS D

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with