Narito ang ilan sa mga reaksyon matapos nilang mabasa ang aking naisulat na kolum nitong Miyerkules, Pebrero 5. Ang pamagat, "Mga Doktor Na Gustong Maging Nurse!"
(0917)9269615: Tama ka sa punto mo. Ngayon di lang skilled workers ang nawala sa atin, pati na mga doctor. Kawawa talaga tayo sa Pilipinas.
(0917)6680144: Ok ang topic mo regarding sa mga doctor na gustong maging nurse. Ako, may kilalang fiscal na kumuha ng nursing. Kaya ngayon, nurse na siya sa U.S.A.
(0917)4562306: Do you know why doctors prefer to be nurse and go abroad? Because government doctors with casual items earn P5,400 in 15 days! Gutom hindi ba? Paano ka sisipaging mag-check-up?
(0918)5036228: Tama ka na wag na pahintulutan maging nurse ang mga doctors. Katawa-tawa na tayo sa buong mundo. Tama lang po bigyan na lang sila ng magandang incentives. Tell our doctors to leave alone the nursing profession. Let one senator pass a resolution prohibiting doctors to take up nursing. Not right!
(0920)4169912: Reaction sa mga doctor, papaano naman sa Saudi at ibang bansa, tax free kami. Dito nagbabayad ka ng BIR through Landbank. Nananakaw pa. Binibigay mo na ang serbisyo, tinatax-an ka pa ng malaki. Lalo na ngayon, may VAT pa kami! Papaano di kami makakaisip umalis?
Kapag hindi ito nasuri ng maigi ng ating pamahalaan at hinayaan na lang ang takbo ng sitwasyon, magiging malaki ang problema sa bandang huli.
Hindi puwedeng gawing dahilan na ang sitwasyong itoy isang riyalidad sa nasabing propesyon. At lalong hindi katanggap-tanggap na sabihing "this is what the market dictates", ayon kay Sen. Juan Flavier.
Pareho ang aming pananaw ni Sen. Flavier na ang magagawa ng ating pamahalaan sa problemang ito ay bigyan ng oportunidad ang mga DOKTOR na nag-aral at nagtapos pa ng medisina nang wag na mag-isip pang mangibang-bansa.
Tulad ng pagbibigay ng mataas na suweldo, magandang benepisyo at iba pang incentives para wag nang lumala ang sitwasyon.
Ang pagkakaiba namin ni Flavier, tanggap niya ang reyalidad. Sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO, may magagawa pa ang ating pamahalaan! At ang salitang aking gagamitin ay "approach avoidance".
Maiiwasan ang sitwasyong ito, kahit reyalidad! Ang mahalaga ay kumilos agad ang pamahalaan ni Juan dela Cruz at gumawa ng tamang hakbang malihis ang problema at wag nang lumala pa.
Kilos na! Pronto!