Si Agoncillo at Bukbok sa Aduana
February 6, 2003 | 12:00am
MATINDI pala ang operasyon nina Agoncillo at Bukbok sa Aduana. Hindi sila pay ng taxes para sa government ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo. Kanino napupunta ang tsapit? Iyan ang ikukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO.
Kaya pala walang tigil ang pagpasok sa bansa ng imported rice, isa si Agoncillo sa mga nagpapasok nito. May nahuhuli ang taga-customs kaya lang hindi iyong kanya.
Si Bukbok ang alaga nitong aso sa bureau. Siya kasi ang engkargado ni Agoncillo pagdating sa mga secret talkings sa mga kalabit-pengi ng mga gagong taga-custom na nakakaalam ng kanilang shipments.
May blessing daw kasi kay Mama Mary este mali ng mga gagong opisyal ng custom ang shipments ni Agoncillo kaya hindi masaling ng small time agents ng bureau.
At hindi sa mga ordinaryong opisyal sa bureau nakatimbre ito kundi sa mga tarantadong matataas na officials?
Pero tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi si BOC Commissioner Antonio Bernardo ang sumasahod kay Agoncillo kasi alam ng mga kuwago na hindi kurap si Tony. Ika nga trabaho lang para sa bayan ang ginagawa nito sa Aduana at walang personalan. Mr. Clean si Tony, Take note, DOF Secretary Lito Camacho, Your Honor.
Hindi biro ang mga shipments ni Agoncillo kapag dumating sa Pinas porke 30 to 50 container vans daw weekly kung pumasok ito sa Philippines.
Kaya daang milyong piso ang pinag-uusapan nating money na nakakamkam nila sa pamamagitan ng hindi pagbabayad ng buwis sa gobyerno ni Prez Gloria?
Sa NAIA, si Bukbok din daw ang nagmamanipula ng kanilang shipments?
Pero hindi pala lumulutang si Agoncillo sa bureau sa mga 5-star hotels lamang ito nakatambay dahil kausap na niya ang mga buwitreng opisyal sa bureau habang si Bukbok ay nag-aabang lamang ng kumpas ng kanyang amo kung saan lalabas ang kanilang shipments.
Kaya pala ang tindi ni Agoncillo may pantapal na malaking pera ito sa kanyang mga kausap, anang kuwagong hitad.
Kawawa naman si Prez Gloria imbes sa mga proyekto para sa bayan mapupunta ang pitsa sa bulsa ng mga gagong opisyal ng customs ito pumapasok? pailing na sabi ng kuwagong Kotong cop.
Ano ang dapat gawin? tanong ng kuwagong mang-uurot.
Pahuli ni Prez Gloria sa kanyang PSG si Agoncillo at sibakin ang mga patong, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Paano malalaman ni Pres GMA ang mga patong?
May kopya ng mga pangalan ang mga kuwago.
Naku! patay sila!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am