^

PSN Opinyon

Makitid na isip hadlang sa pananalig

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG pananalig ay paniniwala tungkol sa mga bagay na hindi natin nakikita (Heb. 11:1). Sa Ebanghelyo ngayong araw na ito, ang mismong mga malalapit kay Jesus ay hindi siya matanggap kung sino siya. Ang akala nila ay kilala na nila siya nang lubos (Mk. 1:1-6).

‘‘Umalis doon si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, "Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?" At siya’y ayaw nilang kilanlin. Kaya’t sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propeta’y iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay." Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya."


Ang maling paniniwala o pag-aakala ang dahilan kung bakit hindi natin makita ang katotohanang nakalahad sa atin. Ang mga tao sa Nazaret, mga kababayan ni Jesus, ay kilala siya bilang anak ni Jose, ang karpintero. Iyon lamang si Jesus para sa kanila. Kay lungkot naman!

Para bagang tayo’y nakakita ng perlas, at sinasabi nating iyon ay peke. Walang halaga. Nangniningning subalit hindi tunay.

Nakalulungkot talaga para sa mga taga-Nazaret. Narito si Jesus, Anak ng Diyos, Manunubos ng sangkatauhan. Ang Manunubos ay hindi nila tinanggap. Naramdaman ni Jesus ang pagkaunsiyami. Hindi siya makaganap ng mga himala para sa kanila. Marami silang inaakala. Ito ay ordinaryong tao lamang. Nagpapanggap lamang.

Totoo ba ito sa inyo? Sana‚y talagang madama ninyo si Jesus na inyong Diyos at Tagapagligtas. Idinadalangin namin na bigyan niya kayo ng pusong hindi mapaghusga. Tulad ni Tomas, maaari ninyong sabihin: "Panginoon ko’t Diyos ko!"

ANG MANUNUBOS

DIYOS

JESUS

NAGTAKA

NAZARET

SA EBANGHELYO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with