Impormasyon sa Pabahay nasa Internet
February 5, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako po ay isang college student. Sa semestreng ito ay kailangan kong gumawa ng isang term paper sa isa sa aking mga subjects, gusto ko sanang gumawa ng pag-aaral sa programang pabahay ng gobyerno.
Ang aking problema ay magiging magastos kung luluwas pa ako papuntang Manila upang makakuha ng mga impormasyon sa pabahay. Papaano kaya ako makakakuha ng mga kailangan kong mga impormasyon gaya ng ibat ibang programa sa pabahay, mga ahensiya ng gobyernong may kinalaman sa housing, ang kabuuang pangangailangan sa pabahay, ang housing backlog at mga patakaran ng gobyerno ukol sa pabahay?
Sana ay matulungan nyo ako sa problema. Maraming salamat. Airene Santa Maria, Iloilo
Meron akong magandang balita para sa mga estudyante kagaya mo na gustong mag-research tungkol sa Pabahay. Ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ay may webpage na hudcc.gov.ph. Dito mo makikita ang mga impormasyong hinahanap mo gaya ng lahat ng ahensiyang may kinalaman sa pabahay gaya ng National Housing Authority, National Home Mortgage and Finance Corporation, Home Development Mutual Fund, Home Guaranty Corporation and Housing and Land Use Regulatory Board.
Makikita rin sa homepage ang mga housing legislations o mga batas na may kaugnayan sa pabahay, ang mga datos gaya ng housing need projection at housing backlog, mga programa at direksiyon sa pabahay. Mababasa rin dito ang mga proseso at kailangan upang makapag-apply ng housing loan para sa mga GSIS, SSS at Pag-IBIG member.
Maging ng listahan ng aming mga proyekto ay makikita rin.
Kung sakaling may katanungan o karagdagang pangangailangan ka ay maaari ring magtungo sa mga regional offices ng mga ahensiyang nabanggit diyan sa Iloilo, makakakuha ka ng mga primers at brochures sa aming mga programa at maaari mo ring kapanayamin ang mga regional officials.
Salamat at sana ay maging matagumpay ang iyong pagsusulat tungkol sa pabahay. Sec. Mike Defensor

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest