EDITORYAL Nabali ang utos sa baril
February 5, 2003 | 12:00am
BAKIT ba madaling magbago ang kanyang isip. Apat na araw mula nang sabihin ni President Gloria Macapagal-Arroyo na bawal nang magdala ng baril sa labas ng kanilang bahay, ito ay kanya nang binawi. Ngayon ay maaari na muling dalhin ng mga sibilyan ang kanilang mga baril. Maaari nang mag-isyu muli ang Philippine National Police ng permit to carry firearms outside their residences (PTCFORs). Hindi na nakapagtataka kung maulit na naman ang nangyaring pagbaril at pagpatay sa Ateneo Law graduate noong January 10. Nagkagitgitan lamang sa trapiko ang dalawa at bang! Todas ang kawawang si Llamas at hanggang ngayon ang nakabaril sa kanyang si Bashir Abdulrahman ay hindi pa nadarakip. Lisensiyado ang baril ni Bashir.
Dahil sa pagbawi ni Mrs. Arroyo sa nauna na niyang direktiba, maaaring maulit ang nangyari kay Eldon Maguan na binaril ni Rolito Go dahil sa problema sa trapiko. Madadagdagan ang titimbuwang sa kalsada, aagos ang dugo, sasabog ang utak dahil binaril nang nakaalitan sa kaunting deperensiya sa trapiko. Maski sa loob ng mga videoke club ay tiyak ding magkakaroon nang barilan kahit sa kaunting di-pagkakaunawaan o simpleng tinginan lamang.
Marami na ang pumuri kay Mrs. Arroyo nang sabihin niya noong January 30, 2003 na bawal nang dalhin ng mga sibilyan ang kanilang baril. Tanging ang mga pulis, military at iba pang awtorisadong tao ang maaaring magdala ng baril sa publiko. Pati nga ang pag-iisyu ng lisensiya sa mga civilian ay kanyang pinasuspinde kay PNP chief Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr.
Ngayoy balik-baril na naman ang lahat. Pati mga Cabinet member at pulitiko ay maaari nang magdala ng armas. Nang ipag-utos ng Presidente ang pagbabawal magdala ng baril, walang exemption. Lahat ay bawal magdala. Ngayoy pwede na!
Matindi ang pressure kaya nabali ang utos. Maraming pro gun advocates ang bumatikos kay Mrs. Arroyo. Paano raw nila maipagtatanggol ang sarili sa mga kriminal kung hindi sila magdadala ng baril. Hindi umano tama ang ginawa ng Presidente. Ill-advised siya.
Pang depensa nila sa mga kriminal kaya sila may baril. Paano naman ang mga sibilyan na hindi naniniwala at may takot sa baril? Pansarili lamang ang iniisip ng mga pro gun advocates. Parang nagdedepende na sila sa baril at hindi na sila maaaring mabuhay kung hindi nila ito taglay sa katawan.
Patuloy ang pagdadala ng baril ng may 813,000 sibilyan. At tiyak na mauulit ang mga madudugong pangyayari na ang baril ang may dahilan. Sisihin ang may pabagu-bagong isip at walang isang salita.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended