^

PSN Opinyon

Sino sina Tan, Teves, at Agoncillo sa Aduana

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
ANG tatlong nabanggit ang pinakamatinding sindikato ng smuggling sa bansa na nagsasagawa ng operasyon sa Bureau of Customs. Malakas ang loob nila dahil may mga pinagmamalaking mga matataas na opisyal sa bureau kaya hindi puwedeng salingin ang kanilang mga shipments.

Halos mag-iisang linggo pa lamang nang magdeklara ng all-out war si Prez Gloria para buwagin ang sindikato ng smuggling, terorismo at kurapsiyon sa buong Pilipinas pero sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay walang mangyayari sa laban nito kontra smuggling.

Kilala ng mga taga-Customs kung sino ang pinakamatinding grupo ng mga mandarambong sa Aduana kahit na mga cigarette vendors dito ay kakilala sila. Walang puwedeng mag-operate sa aduana nang hindi ka makikipagmabutihang palad sa mga unggoy kasi tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, sasagasaan nila ang shipments mo kapag hindi ka tumimbre sa mga tarantado. Pera-pera lang ang usapan dito lalo’t tag-tuyot sa bureau ngayon ilan lang sa mga sinasabing anak ng Diyos ang kumikita sa aduana.

Matindi pa sa imported sniffing dogs ang ilong ng mga kurap na opisyal sa bureau kaya kung hindi ka nakatimbre, siguradong timbog ang shipments mo kung marami kang Ninoy (P500) siguradong lusot ito

Masyadong malakas ang loob ng tatlong kamoteng sina Vid Tan, Dy Teves at Agoncillo para dayain ang gobyerno ni Prez Gloria sa pamamagitan ng pagmamanipula sa pagbabayad ng buwis. May nakapatong kasing mataas na opisyal?

Perwisyo ang ginawa nila sa bayan dapat sila ang todasin ng NPA. Sila ang isa sa mga nagpapahirap kay Juan dela Cruz kaya’t sadsad ang koleksyon sa bureau.

Marami ang nakapatong kay Agoncillo pero hindi naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO na hanggang sa tanggapan ni BOC Commissioner Tony Bernardo ay nakakarating ang pera niyang pantapal. Kilala ng mga kuwago ng ORA MISMO si Tony wala itong sinasanto pagdating sa kurapsiyon.

Si Agoncillo ay hindi talaga nagbabayad ng buwis sa gobyerno? Ika nga mahilig sa libre. Sina Vid Tan at Dy Teves ay mahilig namang mag-under-value ng kanilang mga shipments.

"Hindi birong container vans ang pinapasok nito sa Pinas kada linggo," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Kaya kung susumahin ang mga pinasok nito at pinitsa ng mga gagong taga-Customs ay puwede nang magpatayo ng isang school building linggu-linggo," anang kuwagong hitad.

"Ano ang dapat nating gawin?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Tiktikan ni Bernardo ang mga shipments nito porke puro bukol ang nangyayari sa kanya."

"Ayaw naman niyang tumanggap?"

"Iyon lang kaya iba ang tumatanggap at binubukulan siya?"

"Ano ang mabuti?"

"Tanggapin niya at hulihin ang mga shipments para pandagdag sa collection revenue."

"Diyan ako believe sa payo mo, kamote."

vuukle comment

AGONCILLO

ANO

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER TONY BERNARDO

DY TEVES

KILALA

PREZ GLORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with