EDITORYAL Ibang klaseng giyera ng mga OFW
February 4, 2003 | 12:00am
PUMUNTA man o hindi si President Gloria Macapagal-Arroyo sa Kuwait, hindi na mababago ang sitwasyon sa Middle East. Nakasakmal na roon ang kuko ng kaguluhan at wala nang katahimikan. Nagtungo sa Kuwait si Mrs. Arroyo at inusisa ang kalagayan ng may 60,000 overseas Filipino workers (OFWs) na karamihan ay mga domestic helper. Ipinakita ng Presidente ang kanyang pagmamalasakit sa mga OFW doon. Ang Kuwait ang maaaring unang durugin ni Saddam Hussein, kapag umatake na ang United States at iba pang bansang kasali sa koalisyon. Kung tutuusin, puwede nang hindi pumunta si Mrs. Arroyo sa Kuwait, para ano pa?
Mas mabuti kung nanatili na lamang dito sa bansa si Mrs. Arroyo at ang pag-aralang mabuti ay kung paano mabibigyan ng trabaho ang may 1,365,612 OFWs sakali at magkaroon na ng giyera. Hindi birong problema ang nakaamba kaya ito dapat ang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan. Kahit na nga buong pagmamalaki na inihayag ni Mrs. Arroyo noong nakaraang linggo na umangat ang ekonomiya ng bansa, malaking pasanin ang nakaamba. Hindi maaaring madyikin ang mga ito.
Nagtalumpati si Mrs. Arroyo sa harap ng mga OFW sa Kuwait makaraang dumating doon noong Linggo ng gabi. Sinabi niya ang kahalagahan ng mga OFW na sumasagip sa bumabagsak na ekonomiya ng bansa. Malaki aniya ang itinutulong ng mga OFW para umunlad ang bansa. Hiniling niya na maging matatag ang mga OFW. May 60,000 OFWs sa Kuwait at karamihan ay mga domestic helper.
Hindi na dapat nagpunta roon si Mrs. Arroyo para lamang purihin ang mga OFW. Alam na naman ng mga OFW ang kanilang bahagi sa nakadapang ekonomiya. Ang dapat alamin ni Mrs. Arroyo ay ang mga nakatagong sentimiyento ng mga OFW. Nabibigyan ba sila ng tulong ng gobyerno sakali at inapi sila sa bansang pinagtatrabahuhan? Sa Kuwait ay pinaka-marami ang mga natatalang pang-aabuso ng employer sa mga Pinay domestic helper. Pumapangalawa ang Saudi Arabia at ikatlo ang United Arab Emirates. Nalalaman ba ni GMA na maraming ginahasang Pinay maid sa Kuwait? Alam ba niya na may binuhusan nang kumukulong tubig sa Saudi at sa UAE ay may pinakakain nang panis. Tiyak hindi pa niya nalalaman na may mga ganitong pangyayari.
Kung hindi pa nakaamba ang pagputok ng butse ni Bush sa Iraq, hindi pa dadalaw si Mrs. Arroyo. Mas mainam kung noon pa siya dumalaw at inalam kung anong klaseng "giyera" na ang dinaranas ng mga kawawang OFW sa Kuwait.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended