Ibig sabihiy posibleng may nangyaring "negosasyon" para itumba si Kintanar kapalit ng malaking halaga. Sa mga nakalipas nating kolum, favorite punching bag natin ang Bureau of Immigration. Hindi ito personalan kundi talaga namang sobra nat di masawata ang nangyayaring human smuggling. Pati mga elementong kriminal galing sa ibang bansa at nagtataguyod ng negosyong droga ay malayang nakapapasok.
At itong si Kintanar ay nagtrabaho sa Immigration. May nakapagbunyag sa akin na lubhang marami nang nadiskubreng kademonyohan si Kintanar sa operasyon ng human smuggling syndicate sa BI. Bago maging huli ang lahat at bago maibunyag ni Kintanar ang mga anomalyang ito, pinatahimik na siya, anang aking impormante.
Ayon kay Task Force Kintanar chief Romeo Maganto, sinisiyasat na ang anggulong ito. Ang pagkakasangkot ng isang opisyal ng gobyerno at tatlo pang empleyado sa pagtumba kay Kintanar.
Ilang milyong piso kaya ang itinapal sa mukha ni Ka Roger para isagawa ang buktot na krimeng ito? Kung totoo ito, bakit nakikipagsabwatan na ang maka-Kaliwang kilusan sa mga demonyo sa gobyerno na siya mismo nilang kinukondena? For convenience?
Dahil ba wala nang financial pipeline ang mga komunista sa Pilipinas, handa na silang makipagkutsaba sa mga itinuturing nilang demonyo sa pamahalaan? Pati mga instilasyong nagseserbisyo sa publiko ay pinipinsala nila. Mga communication facilities na pinakikinabangan ng taumbayan ay sinusunog nila dahil di makapagbigay ng "revolutionary tax" ang mga may-ari nito. Tsk,tsk.. desperado na ang NPA. Saan na napunta ang ipinaglalaban ninyong prinsipyo mga kaibigan?