Hindi mabilang ang nag-text sa akin tungkol sa Asereje na nagbabala na habang inaawit at sinasayaw ito ay sinasamba ang hari ng kadiliman. Narito ang natanggap kong text message tungkol sa Asereje: A PUBLIC WARNING: The pop sensation ASEREJE means devil in Spanish. Now we know its such a craze because everyone is singing and dancing to Satans Chant. Please pass to stop the madness!
Maging ang mga kaibigan ko, ay tumanggap din ng babalang ito. Isang kaibigang American na linguist ang tinanong ko tungkol sa Asereje. Pinakinggan niyang mabuti ang awitin at sinabi na wala namang binabanggit na demonyo. Sinabi niya na ang Asereje ay tungkol sa kaganapan sa paligid at may sundot tungkol sa ilang karahasan. Sinabi rin niyang ang nakakaadik na pagsayaw ng Asereje ay mabuting ehersisyo at mabisang paraan para makalimutan ang problema.
Maraming moralista at relehiyoso ang nagpayo sa mga kaanak nila na huwag maki-ride on sa mga tagahanga ng Asereje para huwag silang magkasala.