'Asereje' sa Satanista?
January 31, 2003 | 12:00am
SIKAT na sikat ang awiting Asereje. Bata at matanda ay nahuhumaling. Sinasabayan nila ang pag-awit at pagsayaw. Nakatutuwang tingnan lalo na mga maliliit na bata na umiindak at kumukumpas habang umaawit at sumasayaw sa Latin ng American beat na hottest craze ngayon. Lalo pang naging hit dahil ibat ibang dance group ang sumasayaw sa telebisyon. Subalit sa gitna ng popularidad ng Asereje" ay umugong ang balita na ito ay Satanista.
Hindi mabilang ang nag-text sa akin tungkol sa Asereje na nagbabala na habang inaawit at sinasayaw ito ay sinasamba ang hari ng kadiliman. Narito ang natanggap kong text message tungkol sa Asereje: A PUBLIC WARNING: The pop sensation ASEREJE means devil in Spanish. Now we know its such a craze because everyone is singing and dancing to Satans Chant. Please pass to stop the madness!
Maging ang mga kaibigan ko, ay tumanggap din ng babalang ito. Isang kaibigang American na linguist ang tinanong ko tungkol sa Asereje. Pinakinggan niyang mabuti ang awitin at sinabi na wala namang binabanggit na demonyo. Sinabi niya na ang Asereje ay tungkol sa kaganapan sa paligid at may sundot tungkol sa ilang karahasan. Sinabi rin niyang ang nakakaadik na pagsayaw ng Asereje ay mabuting ehersisyo at mabisang paraan para makalimutan ang problema.
Maraming moralista at relehiyoso ang nagpayo sa mga kaanak nila na huwag maki-ride on sa mga tagahanga ng Asereje para huwag silang magkasala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am