^

PSN Opinyon

Bago ka magsaya Gen. Sacramento aksyunan mo muna ang ginagawa ni SPO2 Beech

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
PUWEDE nang magyabang si Chief Supt. Rolando Sacramento, director ng Eastern Police District (EPD) dahil sa pagkapanalo niya ng best performer sa pagpatupad ng OYSTER na proyekto ni First Gentleman Mike Arroyo. Si PNP chief Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr. mismo ang nag-abot ng P30,000 bilang top prize sa OYSTER competition ng NCRPO. Sa wakas, nakabawi na rin ang EPD na palaging kulelat sa kung anumang alituntunin ng NCRPO sa pamumuno ni Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco. Ito ang unang first place ng EPD sa pamumuno ni Sacramento, di ba mga suki?

Hindi biro kasi na talunin ni Sacramento ang ibang district samantalang huli na silang magpatupad ng OYSTER. Tig-isang milyon ang ibinigay ni First Gentleman sa limang distrito ng pulisya para gawan ng paraan na ang mga out-of-school youth at walang trabaho sa kanilang sakop ay mahasa o makapag-aral ng vocational courses tulad ng manicure at pedicure at kung ano pang uri ng pagkakakitaan para may ikabuhay sila at bumaba ang bilang ng krimen sa bansa. Kaya nararapat lang na batiin natin si Gen. Sacramento. Congrats Sir!

Pero bago magsaya si General Sacramento, dapat sigurong aksiyunan na rin niya si SPO2 Joselito Beech na ginigisa ang kanyang pangalan sa mga gambling lords sa kanyang kinakasakupan. Si Beech na dating pulis-Cainta at nakatira sa Kagitingan St., Brgy. Caniogan, Pasig City ay nag-iikot umano at nanghihingi ng intelihensiya para kay Sacramento sa mga gambling lords sa EPD. Ang reklamo lang ng mga operators ay hinuhuli sila ni Beech kahit may parating na sila weekly. Baka hindi ito alam ni Gen. Sacramento? He-he-he! May bukulan na naman.

Kung sabagay, inirereklamo na rin ng mga gambling lord si Gen. Sacramento. Iba ang usapan sa ngayon at iba na naman kinabukasan, anila. Ewan ko ba kung ano ang ibig sabihin niyan, no? At mukhang abot-langit na rin kung manghingi ng intelihensiya si Gen. Sacramento, kung ang talas ni Beech ang gagawin nating basehan.

Dapat din sigurong linawin ni General Sacramento ang pagyayabang ng isang chairman na alyas Asilo na binigyan daw siya ng malaking lupain sa Pasig City. Diyan ’ata ’yon sa nasalanta nang malaking sunog noong nakaraang taon. Si Asilo na umano’y bata ni dating mayor Enteng Eusebio ay nagsisipsip kay General Sacramento dahil maraming hinaharap na kaso. He-he-he! Marunong din palang maglangis si Asilo, ’no mga suki? Totoo ba ang ipinamalita ni Asilo na kumikita rin si Sacramento sa basura sa Pasig City? Ano ba ’yan?

Kahit ano pa ang paninira nila kay Sacramento, naniniwala naman ang kanyang mga tauhan na magaling itong opisyal. Biro n’yo ang pinanalunan ng EPD na P30,000 ay buong pusong ibinigay ni General Sacramento kay Supt. Gilbert Cruz, ang hepe ng PCR ng EPD. Ni isang kusing ay wala siyang ibinawas dito. Kayo bang mga PCR sa ibang distrito ng NCRPO, nakatikim ba kayo sa pinanalunan n’yo sa OYSTER?

ASILO

CHIEF SUPT

CONGRATS SIR

DIRECTOR GEN

EASTERN POLICE DISTRICT

ENTENG EUSEBIO

GENERAL SACRAMENTO

PASIG CITY

SACRAMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with