Sa dalawang larangan nasusubukan ang kawalang sigasig natin para sa bansa: Sa pagbayad ng buwis at sa pagboto ng tamang liderato.
Ang lakas ng hiyaw ng mga artistat doktor laban sa value-added tax. Nung 1994 pa ang batas na nagpapataw ng 10 porsiyentong VAT sa lahat ng kalakal at propesyon. Yun nga lang, taun-taon ine-exempt sila at mga banko dahil hindi handa ang BIR maningil.
Pero tumataas ang gastusin ng gobyerno para sa mahihirap. Hindi naman tumataas ang kabig ng BIR. Nung 2002 umabot sa P213 bilyon ang budget deficit gastos na labis sa koleksiyon. Kasama sa gastos ang subsidy sa mahuhusay na pelikula at health insurance sa mahihirap. Kasama rin ang gastos sa pagpapaluwag sa negosyo. Pero mahigit 10,000 negosyante karamihay nagbebenta ng cellphone cards-ang nandaya sa VAT. Kaya tinutugis sila ngayon ng BIR.
Sa taong ito, papalo nang P85 bilyon ang deficit. Kaya pinasya ng gobyerno na wala nang VAT exemption sa professionals. Madadagdagan nang P8.6 bilyon ang koleksiyon ng BIR.
Ang mali sa plano ay ie-exempt pa rin ang mga banko. Dagdag sanang P12.8 bilyon kung patawan din sila ng VAT.
Walang lamangan, wala nang exemption. Lahat dapat magbayad ng buwis. Ang mandaya, multahan at ikulong. Tulong-tulong dapat para iangat ang bayan sa kahirapan.
Angal natin: E kaya naghihirap ang bayan, ninanakaw kasi ng mga lider ang kapiranggot na ngang pondong-gobyerno. Totoo yon. Halos 30 porsiyento ng budget ang kinukurakot. Pero bahagi tayo ng problema. Halal tayo nang halal ng magnanakaw. Sa nakaraang 12 taon, lumalabas sa surveys na ika-apat na katangian lang na hinahanap natin sa politiko ang "malinis". Ang unang tatlong katangian hanap natiy "malalapitan", "makakausap", "matalino". "Malalapitan" para ano? E di sa kurakot!