EDITORYAL Drug tests sa mga government employee
January 31, 2003 | 12:00am
MALALA na ang problema sa illegal drugs. Parami nang parami ang nagiging sugapa sa droga at mataas na ang krimen na kanilang nililikha. Dapat maalarma ang pamahalaan at panindigan ang kampanyang pagdurog sa mga drug traffickers. Huwag bigyan ng pagkakataon ang mga "salot" na makapaminsala nang lubusan sa lipunan.
Maganda ang hakbang ng Civil Service Commission (CSC) sa balak na pag-drug tests sa mga empleado ng gobyerno. Ito na marahil ang simula para maging malinis ang lipunan sa ipinagbabawal na droga. Hindi naman kaila na maraming empleado at maging opisyal ng pamahalaan ang nagiging sugapa sa paggamit ng droga partikular ang methampetamine hydrochloride o shabu. Dahil sa pagkasugapa, maraming empleado ang hindi magampanan ang kanilang tungkulin. Mga praning na sila at walang direksiyon sa buhay. Ang apektado ay ang taumbayan na nagpapasuweldo sa kanila. Ang serbisyong dapat nilang ibigay ay hindi nagagampanan nang maayos.
Sinabi ng CSC na lahat ng empleado ng pamahalaan ay sasailalim sa random drug testing upang malaman kung sino ang physically at mentally fit at may karapatang manatili sa public office. Sinumang empleado na mapatunayang positibo sa paggamit ng prohibited drugs ay tatanggalin sa puwesto.
Ayon kay CSC legal affairs director Florencio Gabriel Jr. ang drug testing ay ibibilang na sa health evaluation program ng mga ahensiya ng gobyerno. Ganoon man may karapatan ang mga pinuno ng government agencies kung paano ang gagawin nilang pag-conduct ng health examination sa mga empleado. Ang pagsasagawa ng medical examinations kasama ang drug tests ay management prerogative.
Hindi na biro ang drug problem sa bansa. Lalo pang lumalala sapagkat maraming corrupt na opisyal ng pamahalaan ang kumakalong sa mga drug trafficker. Dito na sa bansa niluluto ang shabu sapagkat maluwag ang mga awtoridad. Mahuli man, madali ring makalalaya at makasisibat ng bansa sapagkat kayang-kayang tapalan ng pera ang corrupt na judge at mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration.
Kung ang mga taong gobyerno ay pawang malinis at walang bisyo, tiyak ang serbisyong maibibigay nila sa taumbayang nagpapasuweldo sa kanila. Kung wala nang mga adik sa mga empleado, mababawasan na rin siguro ang kurakutan at kung anu-ano pang uri ng katiwalian.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest