Liban umaksyon sa TESDA 'Mafia'
January 30, 2003 | 12:00am
TINALAKAY ko kamakailan ang daing ng mga talent managers at overseas performing artists tungkol sa talamak na bentahan ng Artist Record Book (ARB) ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sumagot ang kampong nagmamalasakit kay Liban. Lagi tayong patas sa ating mga pagpuna at birada kaya bibigyan natin ng puwang ito. Huwag daw si TESDA Director Dante Liban ang sisihin sa anomalya.
Isang sindikato ang ibig patalsikin si Liban ani Ret. General Nestor Castillo, pinuno ng OPA Concerns Operations Center. Ibig nitong maagaw ang control sa pagbibigay ng permiso sa mga artistang nagnanais magtrabaho sa ibang bansa. Para matapos na ang mga alingasngas, binitiwan ng TESDA ang clearing powers nito at ipinamahala sa industriya. Palibhasay inaakusahan si TESDA Director Dante Liban na pumaparte sa mga "lagay" ng mga overseas performing artists na kumukuha ng ARB. Kung wala na sa poder ng TESDA ang clearing ng mga artista, wala nang maikakaso ang sindikato laban kay Liban. Simula sa Marso ng taong ito, ang industriya na ang magsasagawa ng clearing ng mga artistang nag-aabroad. Isang pambansang signature campaign ang inilunsad ng ilang kawani ng TESDA para sa resignation ni Liban. Ang "Resign Liban Signature Campaign" ay pinamunuan ni Annie Enriquez Geron, presidente ng Samahang Malaya ng TESDA at Sonia Lipio, presidente ng TESDA Association of Concerned Employes.
Klaro ang layunin : Ang wasakin ang lahat ng regulatory mechanisms na magmomonitor sa mga pang-aabuso na siyang nagkait sa pambansang pamahalaan ng revenues at foreign exchange mula sa mga artistang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya kung may mga demonstrasyon man at gulong idinadawit si Liban, kagagawan ito ng sindikato. Humahakot daw ang sindikatong ito ng milyun-milyong piso bawat buwan at pinamumunuan ng isang TESDA manager na kaanak ng isang dating Senador. Wala umanong kinalaman si Liban sa bentahan ng ARB na kagagawan ng sindikatong ito. Ang tanging sinisingil daw ng TESDA ay P1,000 bawat aplikante. Balita ko, kakasuhan ni Liban ang dalawang union labor leaders na naninira sa kanyang pangalan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest