EDITORYAL Rebolusyong wala nang tinutungo
January 29, 2003 | 12:00am
NANG ihayag ni New Peoples Army spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na sila ang may kagagawan sa pagpatay sa dati nilang kasamahan na si Romulo Kintanar, iisa ang ibig ipakahulugan dito, ang simulaing ipinaglaban noon ay kakaiba sa ngayon. Sila-sila na ang nagpapatayan. Hindi kataka-taka kung ang puwersa ng NPA o ang kabuuan ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay marupok na at darating ang panahon na wala na silang kasapi. Sino pa ang sasapi sa isang samahang may bahid ng dugo? Ngayoy masasabing grabe na ang pagka-uhaw sa dugo ng CPP-NPA. Wala nang patawad. Wala nang kinikilala at pagpapahalaga sa buhay ng kapwa. Mali na ang pakikipaglaban at pag-aalsa.
Sinabi ni Rosal na isang "special team" ang nagsagawa sa asasinasyon ni Kintanar. Hinatulan nila ng kamatayan si Kintanar dahil sa napakarami nitong kasalanan sa kanilang kilusan at sa taumbayan. Nararapat lamang umanong wakasan ang kabulukan at masamang record ni Kintanar. Noon pa aniyang 1993 hinatulan si Kintanar ng "peoples court. Ito umano ang utak sa mga serye ng pagnanakaw sa banko. Sangkot sa kidnapping ng isang Japanese businessman at ipinatubos sa halagang $10 million. Ibinulsa rin umano nito ang may P30 milyong pondo ng CPP-NPA. Mas matindi ang ginawa nitong pakikipagsabwatan sa pulis at military para makapagsagawa ng insurgency operations.
Unang itinanggi ng CPP-NPA ang pagpatay kay Kintanar. Wala raw silang kinalaman sa pagpatay. Subalit makaraan ang apat na araw, lumutang si Rosal at inamin ang pagpatay. Hindi ba alam ni Sison ang nangyayari sa kanilang kilusan. Hindi ba niya alam na marami nang miyembro ng kilusan ang naitutumba? Noong nakaraang taon, itinumba rin si Popoy Lagman at kasunod naman si Fr. Conrado Balweg. Unti-unti ang pag-ubos. Dahan-dahan ang pagganti sa mga tumatalikod sa simulain.
Nang ideklara ni dating President Ferdinand Marcos ang martial law noong 1972, umani ng suporta ang communist movement at marami ang nagnais na maging miyembro ng NPA. Kumawala sa mapaniil na rehimeng Marcos at naging tagapatanggol ng masa sa mga kaapihang dinanas. Naging sumbungan ng maliliit kaya dumami ang nakikisimpatya.
Noon iyon, ngayon ay kakaiba na. Marami na ang umaagos na dugo. Marami na ang tumimbuwang na nagnais tumalikod sa samahan at magbagumbuhay. Hanggang kailan ang pag-aalsang wala nang tinutungo?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended