^

PSN Opinyon

Seksing congresswoman pinagnanasaan ng mga barakong kongresista

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang matindi ang pagnanasa ng ilang barakong kongresista sa isang seksing congresswoman?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Bro. Atty. Roy Almoro ng BID; Abby Cruz, Ken Rejinald Amado, Emil Lucero, Tommy Garcia, Bro. Jimmy Manabat, Ric Jalad at Frank Andujan ng PSG.
* * *
Alam n’yo bang pinagnanasaan ng mga barakong kongresista ang isa nilang kasamahang congresswoman?

Ayon sa aking bubuwit, nabalitaan kasi ng mga damuhong kongresista na dati palang Japayuki si Ms. Congresswoman.

At hindi lang ’yan, tsismis kasi sa House of Representatives na magaling diumano ang ‘‘performance’’ sa kama ni Ms. Congresswoman.

Ewan ko nga ba kung saan ito nabalitaan ng mga barakong kongresista.

Kapag sila ay nag-uumpukan at napadaan si Ms. Congresswoman ito na ang tampok ng kanilang usapan.

Kesyo si Ms. Congresswoman daw ay magaling mag-‘‘helicopter’’, kesyo siya raw ay masunurin. Lahat ng ipapagawa sa kanya ay kayang-kayang gawin.

Mga tarantado talaga itong mga kongresistang ito!
* * *
Ayon sa aking bubuwit, matindi pala ang sex appeal ni Ms. congresswoman kaya talagang marami ang nagnanasang makapiling siya sa kama. Kung makatitig pa ito ay napakalagkit. Eyeball sa eyeball kung makatingin.

Hindi naman masyadong matangkad at hindi naman super sexy si Ms. Congresswoman kaya lang ay matikas talaga. Medyo malaki ang balakang na para bagang laging umaapaw.

Ayon pa sa aking bubuwit, si Ms. Congresswoman ay dating Japayuki. Naging usap-usapan siya ng mga Japanese businessmen nang mapasama sa state-visit ni President GMA sa Tokyo noong nakalipas na taon.

Kilala siyang Japayuki bago pa man pinakasalan ng isang Japanese businessman.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, wa-es at magaling si Ms. Congresswoman sapagkat nang igarahe ng Hapones, siya ay nagsumikap mag-aral. Nakatapos siya ng abogasya. Isa siyang lawyer. Naging local official siya sa kanilang probinsiya.

Nang matapos ang kanyang tatlong termino ay kumandidatong kongresista at nanalo.

Ang congresswoman na naging Japayuki subalit honorable member na ng House of Representatives ay walang iba kundi si…

Siya ay walang iba kundi si Congresswoman J. as in Japan.

ABBY CRUZ

AYON

CONGRESSWOMAN

CONGRESSWOMAN J

EMIL LUCERO

FRANK ANDUJAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JAPAYUKI

MS. CONGRESSWOMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with