Walang bolahan
January 28, 2003 | 12:00am
NAGPUPUPUTAK ang abogado ni Sen. Ping Lacson. Kesyo pakialamero raw ang US sa mga kaganapan dito kaya natalo siya ng $3-milyon civil damages sa California. Kesyo marumi raw ang P15-milyong kontrata ni Blanquita Pelaez sa 41,000 na posas kaya hinarang niya ito nung PNP chief pa siya.
Pinalalabas na api si Lacson. Api nga ba?
Linawin natin ang records ng kaso. Natalo si Lacson ng eksaktong $3,031,262 sa California superior court nung Jan. 10. Sa halagang yon, $2 milyon ay dahil sa slander at intentional infliction of emotional distress. Tinawag kasi ni Lacson na "scam artist" at "smuggler" si Pelaez, defense contractor sa Alameda county. Naganap ang panlalait doon mismo nung Sept. 12, 2001, sa kanyang panayam sa Filipino community leaders ng California. Dahil sa paninirang-puri na dinamdam nang lubos ni Pelaez, nagulo ang kanyang negosyo. Kaya dinemanda niya si Lacson nung Dec. 2001 sa Alameda.
Sa batas ng US, tulad ng sa atin, bisita o citizen man ay mananagot sa paglabag na naganap sa US territory.
Ang ikatlong milyon ay dahil sa intentional interference in business relation. Sanhi ito ng di-pagbayad ni Lacson ng posas na deliver ng Smith & Wesson noon pang 1997. Sumpa ni Pelaez sa affidavit at sa Korte, pina-demanda sa kanya ni Lacson nung 1999 ang 123 PNP officers na nag-approve ng deal. Nais daw kasi ni Lacson na palitan ang officers ng mga bata niya. Nang di-nakilaro si Pelaez, inipit siya ni Lacson. Sa Alameda binigyan ng Smith & Wesson ng appointment si Pelaez bilang sales agent. Kaya nagka-jurisdiction ang Korte kung saan ang opisina niya.
Ang baryang $31,262 ay para sa di-nakubrang komisyon ni Pelaez na $1 bawat posas. Kasi, nang sa wakas ay nagbayad si Lacson sa Smith & Wesson nung Oct. 2000, ani Rodel Rodis na abogado ni Pelaez, itoy para sa 80 porsiyento lang ng P15-milyong deal. E ang appointment ni Pelaez, walang komisyon hanggat hindi bayad nang buo ang kontrata.
Pero, teka, dagdag ni Attorney Rodis. Sabi ni Lacson ma-anomalya raw ang deal. E kung ganun, bakit siya nagbayad ng 80 porsiyento? Aba, e di sabit din siya sa dumi, kung sakali. Kaya, wala sanang bolahan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended