Lisensiyado o' loose?
January 27, 2003 | 12:00am
TUWING may nababaril sa kalye, tulad ni law graduate Ramon Llamas, naghihiyawan ang media laban sa baril. Kinukutya nila agad ang PNP sa pagkalat ng baril dahil sa paglilisensiya at pag-isyu ng permit to carry. Pulis at sundalo lang daw dapat ang de-baril, hindi sibilyan, para wala nang patayan sa kalye.
Ang layo ng katuwirang ito sa katotohanan. Kung may kasalanan man ang PNP, hindi ito sa paglilisensiya ng baril, kundi sa di pagtugis sa loose firearms. Halos 750,000 ang rehistradong baril sa kamay ng 115,000 pulis, 110,000 sundalo, at sibilyan. Pero may 320,000 loose firearms sa kamay ng ilan sa kanila, at sa mga kriminal, rebeldeng komunista at Muslim secessionists. Itong mga di-lisensiyadong baril ang kadalasan ginagamit sa krimen at away-kalye. Walang record sa PNP Firearms and Explosives Division. Kaya hindi mahuli-huli ng pulis ang salarin. Bihira lang, kung sakali man, namamaril ang lisensiyadong de-baril. Kasi, huli agad mula sa ballistics records ng baril. Natutunton ang may-ari mula sa galos ng bala habang lumalabas sa barrel.
Sa madaling salita, mas mabuti pang nililisensiyahan ang baril, kaysa hinahayaan itong kumalat at mapasa-kamay ng pusakal.
Pero may problema sa paglilisensiya. Sa simula lang bina-ballistics test ang brand-new na baril. Wala nang test sa renewal ng lisensiya tuwing dalawang taon. Mali ito. Kasi, maaring pinalitan ng may-ari ang barrel ng baril. Ang groove sa loob ng barrel ang gumagalos sa bala at nagiging basehan ng ballistics record ng baril.
Mungkahi ko na ipa-ballistics test ang baril tuwing una or renewal ng lisensiya. Sa ganung paraan, parating may record ang baril sa PNP. May mga lisensiyadong may-ari na aangal. Pero kung talagang maingat sila, papayag agad. Yon lang ang paraan para masugpo ang abusado.
Pero ang loose firearms, dapat tugisin pa rin. Malakas ang loob ng kriminal mamaril kung alam niyang hindi mate-trace sa kanya ang bala.
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11 p.m., sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am