ANG
BANTAY KAPWA ay lubusang nagpapasalamat sa mga tumawag at nag-text sa kahalagahan ng mga kuntil-butil ng kaalaman na sa tuwinay pini-feature sa kolum na ito. Humihiling sila ng mga karagdagang paksang-diwa na ayon sa kanila, lalo na sa mga estudyante, ay dagdag sa kanilang kaalaman.
Alam ba ninyo na marami ang nag-aakala na ang naging Indian Prime Minister na si Indira Gandhi ay anak ng pinagpipitagang Indian patriot na si Mahatma Gandhi. Hindi sila magkadugo. Nagkapareho lamang ng apelyido ang asawa ni Indira at Mahatma.
Marami ang nag-akala na ang hamburger ay mula sa Hamburg, Germany. Ang hamburger ay nadiskubre ng isang Amerikano noong 1855.
Isang invertebrate at hindi halamang dagat ang sea cucumber.
Popular sa buong mundo ang yoyo na naimbento ng mga Igorot. Bukod sa pagiging laruan, ang "yoyo" ay gamit din ng mga Igorot bilang sandata sa pakikipaglaban.
Ang larong sipa ay nilalaro na noong 15th century. Hindi lang dito sa Pilipinas popular ang sipa kundi maging sa Indonesia at iba pang bansa sa Asya.
Ang sabong ay namana ng Pilipino sa mga Kastila. Ang paglalaban ng dalawang tandang sa sabungan ay labis na ikinatutuwa na hanggang ngayon ay paborito pa rin.