Misis, anak at manugang ni Mayor, naka-payroll sa munisipyo
January 23, 2003 | 12:00am
ALAM nyo bang pinasasahod ng isang munisipyo ang misis, mga anak at manugang ng isang mayor kahit wala naman silang trabaho?
Ayon sa aking bubuwit, happy birthdy muna kay Mr. Tony Abacan, Presidente ng Metrobank; Vic Yamat, Dra. Nestin Sumabat ng Tuguegarao City; Bro. Maeng Honario at Sheryl Panes.
Alam nyo bang nagrereklamo na ngayon ang mga empleyado ng isang munisipyo dahil ginawang ghost employees ang misis at buong kamag-anak ni Mayor?
Ayon sa aking bubuwit, upang mapasama sa payroll ang mga kamag-anak ni Mayor, gumawa siya ng mga panibagong posisyon. Ang kanyang misis, mga anak, manugang, mga biyenan at iba pang kamag-anak ay ginawang consultant at mga casual employees. Sumasahod sila ng P10,000 bawat isa subalit wala namang ginagawa sa munisipyo.
Hanep itong ginawa ni Mayor.
Paging PAGC Chairman Dario Rama. Sila ang dapat ninyong kasuhan, Sir.
Ayon sa aking bubuwit, galit ang mga empleyado sa munisipyo kay Mayor sapagkat ang pondong gagamitin sana sa mga proyekto sa bayan ay napupunta sa Kamag-anak Inc.
Ang malungkot dito, nade-delay pa ang sahod ng mga empleyado samantalang on time ang suweldo ng mga kamag-anak ni Mayor. Minsan pa nga ay napapaaga pa kapag sila ay nagka-cash advance.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga consultant kuno ni Mayor na binabayaran ng P10,000 kada buwan ay ang asawa mismo nito. Itago natin siya sa pangalang Mayora Ruby.
Kabilang din ang kanilang mga anak na sina Tracy, Clint at manugang na si Fatima. Kasama rin dito ang kanyang dalawang biyenan na si Lido at Noning. Pati ang kanyang mga pinsan na sina Romeo, Constante, Juanito, Gabino at si Kardo.
Grabe naman. Walang ginagawa pero sumasahod ng tig-P10,000 kada isang buwan.
Dahil sa 11 kamag-anak ni Mayor na kasama sa mga ghost employees ay nalulugi na kaagad ang munisipyo ng P110,000 kada isang buwan.
Ayon sa aking bubuwit, ang mayor na nagpapasahod sa kanyang misis, mga anak at kamag-anak kahit wala namang ginagawa ay si...
Siya ay mayor ng Nueva Ecija.
Siya ay si Mayor L. as in Luku-luko.
Ayon sa aking bubuwit, happy birthdy muna kay Mr. Tony Abacan, Presidente ng Metrobank; Vic Yamat, Dra. Nestin Sumabat ng Tuguegarao City; Bro. Maeng Honario at Sheryl Panes.
Ayon sa aking bubuwit, upang mapasama sa payroll ang mga kamag-anak ni Mayor, gumawa siya ng mga panibagong posisyon. Ang kanyang misis, mga anak, manugang, mga biyenan at iba pang kamag-anak ay ginawang consultant at mga casual employees. Sumasahod sila ng P10,000 bawat isa subalit wala namang ginagawa sa munisipyo.
Hanep itong ginawa ni Mayor.
Paging PAGC Chairman Dario Rama. Sila ang dapat ninyong kasuhan, Sir.
Ang malungkot dito, nade-delay pa ang sahod ng mga empleyado samantalang on time ang suweldo ng mga kamag-anak ni Mayor. Minsan pa nga ay napapaaga pa kapag sila ay nagka-cash advance.
Ayon sa aking bubuwit, ang mga consultant kuno ni Mayor na binabayaran ng P10,000 kada buwan ay ang asawa mismo nito. Itago natin siya sa pangalang Mayora Ruby.
Kabilang din ang kanilang mga anak na sina Tracy, Clint at manugang na si Fatima. Kasama rin dito ang kanyang dalawang biyenan na si Lido at Noning. Pati ang kanyang mga pinsan na sina Romeo, Constante, Juanito, Gabino at si Kardo.
Grabe naman. Walang ginagawa pero sumasahod ng tig-P10,000 kada isang buwan.
Dahil sa 11 kamag-anak ni Mayor na kasama sa mga ghost employees ay nalulugi na kaagad ang munisipyo ng P110,000 kada isang buwan.
Siya ay mayor ng Nueva Ecija.
Siya ay si Mayor L. as in Luku-luko.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am