^

PSN Opinyon

Tinutulan ng mga kaaway

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
Kapag si Jesus ay nakakakita ng isang maysakit, agad niya itong pinagagaling noon din mismo. Para kay Jesus, ang paggawa ng kabutihan ay katumbas ng agarang pagwaksi sa kasamaan.

Narito ang kuwento ng pagpapagaling sa isang lalaki na ang isang kamay ay patay na (Mk. 3:1-6).

"Muling pumasok si Jesus sa sinagoga, at naratnan niya roon ang isang lalaking patay ang isang kamay. Kaya’t binantayan si Jesus ng ilang taong naroon upang tingnan kung pagagalingin niya ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, para may maiparatang sila sa kanya. Tinawag ni Jesus ang lalaking patay ang kamay: ‘Halika rito sa unahan!’ Tinanong niya pagkatapos ang mga tao, ‘Alin ba ang ayon sa Kautusan: ang gumawa ng mabuti o gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga" Magligtas ng buhay o pumatay?’ Ngunit hindi sila sumagot. Habang tinitingnan ni Jesus ang mga taong nasa paligid niya, galit at lungkot ang nabadha sa kanyang mukha, dahil sa katigasan ng kanilang ulo. Bumaling siya sa lalaki at sinabi, ‘Iunat mo ang iyong kamay.’ Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito’y gumaling.

Umalis ang mga Pariseo at nakipagsabwatan sa mga kampon ni Herodes upang ipapatay si Jesus."


Ang paghahari ng Diyos ay laban hindi lamang sa mga demonyo kundi na rin sa mga taon, nagkataong Araw ng Pamamahinga noon. Ang pagpapagaling ay isang gawain. Kung kaya’t ang mga kaaway ni Jesus ay nagbabantay sa kanya upang makita kung siya’y magpapagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi. Nagalit si Jesus sa kababawan ng mga Pariseo.

Inutusan ni Jesus ang lalaking patay ang kamay at sinabing, "Iunat mo ang iyong kamay." At ganoon nga ang ginawa ng lalaki. At gumaling ang kamay nito. Ang lalaki’y may pananalig kay Jesus.

Kabaliktaran naman sa ganang mga kaaway ni Jesus. Nagplano sila kasama ng mga tagasunod ni Herodes kung paano nilang sisirain si Jesus. Nagtagumpay silang sirain si Jesus. Ipinako nila si Jesus sa krus at namatay.

Subalit lingid sa kanilang kaalaman, ito mismo ang tagumpay ni Jesus. Muli siyang nabuhay sa isang panibagong buhay.

ARAW

BUMALING

HERODES

ISANG

IUNAT

JESUS

KAMAY

PAMAMAHINGA

PARISEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with