^

PSN Opinyon

Sagot sa Da King, si Danding o si Ping

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
NAKAGUGULAT. Wala nang ginawa yung staffer ko kung hindi magbukas at magbasa ng mga pinadalang mensahe. Dalawang beses nagpalit ng battery sa cellphone. Mahigit sa 300 text messages.

Iisa lang ang ibig sabihin nito. Ang sambayanang Pilipino ay mulat na at alam kung ano at sino ang gustong mamuno ng ating bayan. Nagtanong tayo. Base sa mga binanggit na pangalan ni dating Presidente Erap Estrada kung sino sa tatlong tao ang napipisil ng mga supporters ng oposisyon. Si Da King, si Danding O si Ping. Naging malinaw ang sagot ng mga mambabasa ng CALVENTO FILES sa Pilipino Star NGAYON. Malawak ang mga taong nag-abala upang ibigay ang kanilang manok at kung ano ang dahilan. Mula Hong Kong, Mindanao, Metro Manila at iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Bilib din ako sa circulation manager at ang team nito dito sa PSN. Malinaw din para sa inyong lingkod na kapag hindi nagkaisa ang oposisyon, hati-hati ang kanilang boto. Hindi sila mananalo sa 2004. Si Fernando Poe, Jr., o si Da King ang topnotcher. Nakakuha ito ng 84 pts., habang si Senator Ping naman ay nakakuha ng 75 pts. at si Danding Cojuangco naman ay nakakuha ng 65 pts.. Ang total naman ng mga ayaw sa tatlo na inilagay natin sa none of the three ay 98 pts. Base na rin sa uri at dami ng boto, pinatotohanan sa atin na si Senator Ping ay hindi pang Bise Presidente lamang. Walang problema si Senator Ping dahil, hanggang sa mga sandaling ito, hindi pa nagbabago ang sinabi ni Da King. Hindi siya tatakbo sa 2004. Si Danding, bagamat matindi ang mga credentials at masasabi nating makakatulong sa ekonomiya ng bayan (hindi ba’t Economist din si GMA?), kulang ito sa "appeal" sa masa. Ang dami ng boto ng none of the three, maaari bang sabihing ito’y para kay Raul Roco? Kay Loren Legarda? Kay Ed Angara? Hindi po natin alam. Gaya ng sinabi ko, "a single standard bearer for the opposition is unbeatable." Subalit kung sila’y magkakanya-kanya, mabubuwal sila.

Si Senator Ping, karamihan sa mga namili sa kanya, ang tingin ng tao ay kailangan ng ating bayan upang mapanatili ang kapayapaan at disiplina. Marunong din po tayong tumanggap ng mali. Si Senator Ping ay hindi pang Bise Presidente lamang.

Ang lahat ng ito ay kung hindi mauudlot ang halalan sa 2004. Nakaumang na rin ang Cha-cha. Charter Change, kung saan sinaad na rin ni GMA na pabor siya rito. Subalit sinabi nito na kasama sa halalan sa 2004 ang pagpili ng mga bubuo ng grupong babalangkas ng mga papalit sa ating Constitution. Sana ganun nga ang mangyari. Hindi malayong madaliin ito ni Jose de V. at ang kanyang mga alipores sa Congress, para ba sa bayan? (Yan ang sabi nila), o para sa sariling kapakanan? Marami rin ang nagsasabi ng OPLAN NOEL, o No Elections. Nadinig na natin ‘yan pero nagkaroon ng elections.

Hindi uubra sa mamamayang Pilipino. Yan ang ipinamana sa atin nang magbuwis ng buhay ang idolo nating si Senator Benigno Aquino, Jr. sa tarmac ng dating Manila International Airport. Kahit ano pa ang sabihin nila, si Presidente Cory Aquino, ang biyuda ni Senator Ninoy, ang gumanap bilang isang tagapangalaga ng demokrasya sa ating bayan. Kaya nga malaya tayong nakapamimili ng ating gustong presidente.

Kung sinsero talaga ang tawag ni President GMA, at ilalaan nito ang kanyang talino sa pagpapatakbo ng ekonomiya, aba, naging Propesora ko ito sa Unibersidad, nakita ko ang galing nito sa Economics at Taxation (kaya nga bugbog sarado tayo sa buwis), uusad ang ating bayan!

Yan Madame President ang pinakamagandang pamana ninyo sa ating bayan. Hindi namin kayo malilimutan at ng aming mga anak, pati na rin ng ibang darating na henerasyon. Maaalala namin lahat na si Presidente Gloria Macapagal- Arroyo ang namuno nung mga sandali ng hirap at hikahos ng ating bayan. Dahil na rin sa inyong sakripisyo, habambuhay na kayong itataas ng mga Pilipino. Higit pa sa tangkad ng basketbolistang Tsino na si Yao Ming.

Para sa anumang comments, suggestions o reklamo, i-text n’yo sa 09179904918. Maaari rin kayong tumawag sa CALVENTO FILES 7788442.

Tama na muna ang politika. Ang bayan ang dapat isaayos. Aba, grabe na ang "cost of living" ng isang pangkaraniwang pamilya para makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. Mahigit sa P500. Grabe na rin ang sitwasyon sa peace and order. Walang humpay na krimen. Dala na rin ito sa kahirapan ng buhay. Problema sa droga. Marami pang humihila sa atin pababa. Kaya pa ba? Kaya kung magkakaisa.

ATING

BAYAN

BISE PRESIDENTE

DA KING

KUNG

RIN

SENATOR PING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with