^

PSN Opinyon

"Engrandeng Palamon" nung auction ng Pasig City Hall (Last part)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HINDI ko estilong ipitin pa ang taong nahulog na sa aming BITAG. Lalo na kapag minabuti na lang nitong manatiling tahimik.

Maaaring lingid sa kaalaman ng Pasig City Treasurer Crispina V. Salumbre, ang pananahimik ay halos pag-amin na rin.

Hawak niya ang kanyang ‘‘kapalaran.’’ Sa kanya na ang desisyon at aksiyon, ngayong alam na ng taumbayan ang katotohanan.

Hawak ko ang isang tape recorded telephone interview kung saan humahalakhak si City Administrator Atty. Reynaldo Dionisio. Nakakatawa nga naman ang sagot ni Salumbre sa Imbestigasyon ng Bahala si Tulfo.

Ayon kay Salumbre kailangan daw ‘‘magpalamon’’ nung araw ng auction para dumalo ang mga serious bidders dahil ito raw ang kauna-unahang auction sa lungsod ng Pasig.

Nung tinanong ko si Salumbre, bakit kailangan tustusan ng local ng pamahalaan ng Pasig ang ‘‘engrandeng palamon?’’

Nagkanda-utal-utal ito at nagdahilang tatawagan na lang kami dahil marami daw ang mga nakapilang tax payers nung araw din yun.

Dagdag pa ni Salumbre, ‘‘Mr. Ben Tulfo tatawagan kita para basahin sa ’yo ang isang provision sa local government code na sasagot sa iyong katanungan.’’ Hanggang sa isinusulat ko ang kolum na ’to, wala pa rin kaming natatanggap na tawag sa kanya.

Kaya naman pala humalakhak ng malakas si Atty. Dionisio nung marinig niya sa akin ang sagot ni Salumbre. Mapapakinggan ng publiko sa DZME 1530 Khz, 9-10 a.m. ang bahagi ng nasabing interview ko kay Atty. Dionisio.

Kay City Administrator Atty. Dionisio mismo na ang nagsabi na ang catering service ay handa para sa kaarawan ng asawa ni Salumbre. Hindi raw ito sagutin ng siyudad ng Pasig. Taliwas ito sa sinabi ni Salumbre na ang catering service ay sagot ng siyudad ng Pasig.

Napag-alaman ng Imbestigasyon ng Bahala Si TULFO na 15% lamang ang mga serious bidders na dumalo sa auction. 85% ay mga empleyado ng City Hall na pawang mga naka-ID pa.

Hindi rin kayang maipaliwanag ni Salumbre bakit sinisingil ng lungsod ng P60,000.00 real property tax delinquency ang isang lumapit sa amin. Samantala yung kanyang dapat bayaran lang ay P5,000.00 kabilang na dito ang mga penalties.

Napag-alaman namin na naging makatao ang City of Pasig. Ayon kay city administrator, ‘‘Ben, nakuha namin sa pakiusap ang nag-bid ng kanyang lupa sa auction. Hindi na ito natuloy out of Christian act and compassion sa panig na bidder. Pumayag na lang itong ibalik muli sa nagmamay-ari ng lupa.’’

Ikaw City Treasurer Salumbre, para sa iyong kaalaman, hindi ko estilong ‘‘inuupakan’’ pa ’yung taong nakadapa na, kapareho mo. Bahala na ang taumbayan maghusga sa ’yo! Sige manatili ka na lang tahimik hanggang sa iyong huling hantungan!
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-934-6417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang programang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

AYON

BAHALA

BAHALA SI

CITY

CITY ADMINISTRATOR ATTY

CITY HALL

DIONISIO

PASIG

SALUMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with