Karamihan ng mga naghahalaman ay nagsimula sa hobby o paglilibang, tunay na nakaaaliw at nakakawala ng pagod ang magaganda at mababangong bulaklak gaya ng mga orchids na puwede ring pagkakitaan. Pinatunayan ng mga florist na malaking pera ang makukuha sa mga orchids lalo na iyong rare na variety. Mabenta ang orchids sa mga flower shops. Pwedeng mag-alaga ng orchids kahit na sa maliliit na lugar gaya ng condominium na maliliit ang espasyo dahil ang halamang ito ay tumutubo maging sa pader na semento basta alaga sa dilig at sa mga insekto. Hindi naman kailangan diligan araw-araw ang orchids. Minsan o makalawang beses isang linggo lang dinidiligan ang mga orchids.
Importante sa mga naghahalaman na alamin kong ano ang gusto nilang itanim. Puwedeng magtanim ng sili na isa ring ornamental plant. Mainam magtanim ng mga fruit bearing plants gaya ng kalamansi na kahit itanim sa paso ay nabubuhay. Madali ring magpatubo ng marigold na bukod sa maganda ang bulaklak ay masarap ding pansahog o ingredients sa nilulutong ulam. Madali ring magpatubo ng herbal plants gaya ng malvarosa, mansanilya at dahong maria.