^

PSN Opinyon

Paghahalaman, may pera na, nakakaaliw pa

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
LAHAT ay may ‘‘green thumb’’ o may taglay na galing sa pagtatanim ng anumang halaman, kabilang na ang ornamental plants, gulay at prutas. Ayon sa ilang dalubhasang gardeners ang paghahalaman ay dapat ding gamitan ng wastong pag-unawa at lohika gaya halimbawa kong ang tanim ay nalalanta ay dapat na diligan ito at kong nalulunoy at natutuyot dapat na paarawan dahil kailangan ng mga tanim ang ‘‘photosynthesis.’’

Karamihan ng mga naghahalaman ay nagsimula sa ‘‘hobby’’ o paglilibang, tunay na nakaaaliw at nakakawala ng pagod ang magaganda at mababangong bulaklak gaya ng mga orchids na puwede ring pagkakitaan. Pinatunayan ng mga florist na malaking pera ang makukuha sa mga orchids lalo na iyong rare na variety. Mabenta ang orchids sa mga flower shops. Pwedeng mag-alaga ng orchids kahit na sa maliliit na lugar gaya ng condominium na maliliit ang espasyo dahil ang halamang ito ay tumutubo maging sa pader na semento basta alaga sa dilig at sa mga insekto. Hindi naman kailangan diligan araw-araw ang orchids. Minsan o makalawang beses isang linggo lang dinidiligan ang mga orchids.

Importante sa mga naghahalaman na alamin kong ano ang gusto nilang itanim. Puwedeng magtanim ng sili na isa ring ornamental plant. Mainam magtanim ng mga fruit bearing plants gaya ng kalamansi na kahit itanim sa paso ay nabubuhay. Madali ring magpatubo ng marigold na bukod sa maganda ang bulaklak ay masarap ding pansahog o ingredients sa nilulutong ulam. Madali ring magpatubo ng herbal plants gaya ng malvarosa, mansanilya at dahong maria.

AYON

KARAMIHAN

MABENTA

MADALI

MAINAM

MINSAN

ORCHIDS

PINATUNAYAN

PUWEDENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with