^

PSN Opinyon

Hustisya kay Baron Cervantes

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
PINATAY si Baron Cervantes, spokesperson ng Young Officers Union (YOU) noong Disyembre 2001. Binaril siya sa Times St. Las Piñas. Naging kontrobersiyal si Cervantes nang paputukin nito ang kudetang isasagawa laban sa pamahalaan.

Isang taon na ang nakararaan matapos ang pagpatay kay Cervantes, ngunit wala pang konkretong resulta ang pagpatay. Kamakailan ay binuo ang Task Force Baron sa ilalim ni Gen. Romeo Maganto para mahuli ang mga salarin.

Mayroon bang malaking sekreto sa likod ng pagpaslang kay Cervantes? Siguro naman ay dapat itong malaman at ibunyag ng mga kinauukulan, upang mabigyan naman ng kunsuwelo ang kanyang pamilya.

Anuman ang mga dahilan sa pagpaslang kay Cervantes, nananatili ang katotohanan na siya ay biktima ng karahasan, dapat ding mabigyan ng katarungan.

Ito marahil ang pinakamagandang biyaya para sa pamilya Cervantes sa taong ito. Tinatawagan ang kinauukulan na bigyan ng kapanatagan ng kalooban ang pamilya Cervantes, lalo na sa ina nito.

Kasama ng iba pang kasapi ng pamilya ni Baron, dalangin na mabigyan na nang solusyon ang kaso sa pagsuko o paghuli sa mga tinuturing na ngayong mga utak sa krimen na kinasasangkutan ni Rafael Cardeño, na nag-utos umano kay Joseph Mostrales na patayin ang biktima.

Sana’y mapukaw ang kalooban ng mga awtoridad at dinggin ang panawagan ng mga naulila ng biktima.

vuukle comment

ANUMAN

BARON CERVANTES

CERVANTES

JOSEPH MOSTRALES

RAFAEL CARDE

ROMEO MAGANTO

TASK FORCE BARON

TIMES ST. LAS PI

YOUNG OFFICERS UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with