Salungat sa awtopsiya
January 18, 2003 | 12:00am
SINA Delio at Danny ay naparatangang pumatay kay Gorio. Ang insidente ay nangyari sa isang sayawan sa baryo.Tinaga sa kanang bahagi ng leeg si Gorio na ikinamatay nito.
Lima pang tao ang pinaratangan sa pagkamatay ni Gorio subalit napawalang-sala dahil sa kahinaan ng ebidensya laban sa kanila. Sina Delio at Danny ang naging pangunahing akusado dahil sa testimonya ni Doming na nagsabi na kasama niya si Gorio at ang ama nitong si Juan. Si Juan kasi ay nahabla sa kasong attempted rape ng babaing anak ni Delio.
Ayon kay Doming, bandang alas-onse ng gabi, habang pauwi sila galing sa sayawan, nakita nila ang ilang kaibigang babae at nakipagkuwentuhan muna samantalang si Juan ay nauna nang umuwi. Nang malapit na sina Gorio at Doming sa bahay ni Juan, isang grupo ang lumapit sa kanila. At dahil may hawak silang flashlight, naaninag nila sina Delio at Danny na may hawak na itak. Biglang hinawakan ni Delio ang mga kamay ni Gorio at tinaga ni Danny ang leeg nito.
Itinuro ni Doming na kaliwang bahagi ng leeg ang tinaga. Inamin din niya na hindi niya nakilala ang ibang tao sa pinangyarihan ng pagpatay. Nang bumagsak si Gorio, madali raw siyang nakapagtago sa likod ng puno ng pili. Nakakita raw siya ng hindi kilalang batang lalaki at babae na may dalang ilaw. Nanatili raw siya hanggang madaling araw samantalang ang dalawang bata ay humingi ng tulong.
Napag-alaman na ang batang babae ay si Lenny, alaga ng tiyahin ni Gorio samantalang ang batang lalaki ay si Eddie, pinsan naman ni Gorio. Ayon naman sa testimonya ni Lenny, pauwi na rin sila mula sa sayawan nang makita nila ang patay na si Gorio na halos matanggal na ang ulo dahil sa saksak sa leeg. At sa pagkakataong iyon, nakita nila si Danny na may hawak ng itak, malinis, matulis at makinang ito, at limang metro ang layo sa katawan ni Gorio. Nakita rin ni Lenny ang mga taong nakapalibot sa katawan ng biktima, naninigarilyo subalit hindi niya ito nakilala. Pagkatapos ay tumakbo silang pauwi kina Juan upang magsumbong.
Idinagdag din ni Eddie na nang makita nila ang katawan ni Gorio, nakita niya si Danny nakatayo sa daan at may hawak ng itak at kasama si Delio. Nakita rin niya ang ilang tao pero hindi niya kilala ang mga ito.
Ayon naman sa testimonya ni Juan, ama ni Gorio, nang gabing yaon, ang kasama niyang umuwi ay si Gorio at ang bayaw nitong si Ferdie. Hindi niya nabanggit na kasama si Doming. Siya raw ay sinaksak sa taynga ng mga kasamahan ni Delio. Kinumpirma niyang nakasalubong niya si Lenny at Eddie nang papunta siya sa ospital upang magpagamot, kaya niya nalaman ang pagkamatay ni Gorio. Pinaniwalaan ng mababang hukuman ang mga testimonyang ito kaya hinatulan at hindi tinanggap ang depensang alibi nina Delio at Danny. Tama ba ang Korte?
Mali.
Kahit na sinabi ni Doming sa kanyang testimonya na si Gorio ay tinaga sa leeg at ituro ang kaliwang bahagi, salungat ito sa resulta ng awtopsiya, kung saan natuklasan na ang kanang bahagi ang may taga. Ang di-pagkakaayon ay magbibigay ng matinding pagdududa sa testimonya ni Doming.
Tanging ang napatunayan lamang ay ang presensya nina Delio at Danny sa lugar ng krimen. Hindi ito napatotohanan ng iba pang ebidensya kaya hindi ito nakatugon sa proof beyond reasonable doubt. Ang presensya sa lugar ng krimen ay hindi rin sapat para magkaroon ng konklusyon ng pagkakasala. Bukod dito, kung tinaga nga ni Danny si Gorio, hindi maaaring maging malinis, matulis at makinang pa ito ayon sa testimonya ni Lenny. Maliban pa rito ay nang hindi nakilala nina Lenny at Eddie ang mga taong nasa pinangyarihan ng krimen. Kaya, sina Delio at Danny ay dapat mapawalang-sala (People of the Philippines vs. Larapie et. al. G. R. No. 130209 March 14, 2001).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest