EDITORYAL Bansa ng mga pirata
January 18, 2003 | 12:00am
HINDI na kataka-taka kung bakit hindi mapigil ang pagkalat ng mga pirated VCDs at DVDs sa bansang ito. Sangkot ang malalaking tao at mga awtoridad. Kahit na minu-minuto pa ay salakayin ni Video Regulatory Board (VRB) chairman Ramon "Bong" Revilla Jr. ang mga pagawaan ng pekeng CDs at DVDs, hindi pa rin mapipigil. Malaking sindikato ang nagsasagawa ng pangongopya at hi-tech na ang kanilang mga gamit. Ngayon ay hindi na lamang sa Quiapo matatagpuan ang mga piniratang pelikula sa VCDs kundi pati na rin sa mga probinsiya.
Nang salakayin nina Revilla at mga pulis ang Maharlika Village sa Taguig noong Miyerkules, nakakumpiska sila ng mga piniratang CDs at VCDs na nagkakahalaga ng P6 million. Walong bahay ang nilusob nina Revilla. May dala silang search warrants. Ayon kay Revilla, dalawang buwan na nilang under surveillance ang nasabing lugar.
Pero ang mas nakagigimbal na tumambad kina Revilla ay hindi ang nagtambak na piniratang produkto at mga hi-tech na kagamitan kundi ang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nasa isa sa mga bahay na gawaan ng pirated products.
Nasa mukha ni Senior Supt. Laut Sarit, umanoy provincial police director sa Iligan City, Lanao del Norte ang pagkagulat nang bumulaga si Revilla at ang raiding team na pinamumunuan ni Senior Insp. Marlon Catan. Nang imbestigahan, sinabi ni Sarit na hindi siya bahagi sa paggawa ng pirated products. Naroon siya sa bahay at nakikituloy lamang.
Bansa ng mga pirata. Lahat ay kinokopya. At hindi nakapagtataka kung lumawak ang illegal na gawaing ito sapagkat sangkot ang mga awtoridad. Maaaring hindi lamang matataas na opisyal ng PNP ang nasa likod ng pirated products, maaaring may mga maimpluwensiyang pulitiko, at maaaring malalaking tao sa industriya ng pelikula. Ang paggawa ng illegal sa bansang ito ay napakadali. Malambot kasi ang batas at laganap ang corruption. Sakaling mahuli ang nasa pirated products business, saglit lamang at madali rin siyang makaaalagwa sapagkat tatapalan niya ng pera ang umaresto sa kanya.
Ang grabeng pamimirata sa bansang ito ay "sinundot" ni US Assistant Secretary of Commerce William Lash. Binatikos ni Lash ang kabagalan ng mga awtoridad sa pagparusa sa mga "pirata".
Nararapat matukoy ni Revilla kung sino ang "utak" sa pamimirata. Tiyak na "malaking tao" ito. Kapag ito ang naitumba ni Revilla panalo siya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended