^

PSN Opinyon

Ang aking monumento

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
MARAMING taon din akong naging kasapi ng isang grupo na nagtuturo sa kanayunan kung paano gumawa ng kubeta. Karamihan sa mga taga-nayon ay walang kubeta.

Kaya natanyag ako bilang taga-gawa ng inidoro kaysa sa aking paggamot ng maysakit. Kaya malimit sabihin ng mga magsasaka na ang inidoro ay aking monumento.

May mga ilang bagay na kailangang isaalang-alang sa paggawa ng kubeta. Ang pinto ay dapat pinturado ng puti para sa gabi ay kita. Karaniwan kasi ay 25 metro ang layo sa likod ng bahay. Sa kadiliman ng gabi ay mahirap tuntunin ang lugar.

Isa pa, ang pinto ay dapat bumukas paloob. Para kung may tumulak sa pinto at nasa loob ka ay maaari mong itulak pasara. O kaya, dapat isabit ang isang tuwalya bilang tanda na may gumagamit ng kubeta.

Kung minsan ay mababa lang ang pinto para makita ang ulo ng nasa loob.

Popular ang sementong inidoro dahil madaling gawin. Marami ang naglalagay ng dibuho na mga bulaklak. Siguro bilang kontra sa amoy na hindi kanais-nais.

Ang hindi ko makakalimutang papuri ay nang isang magsasaka ang isinulat ang aking pangalan sa loob ng inidoro.

"Bakit mo naman inilagay ang pangalan ko sa loob. Sa nilalagpakan pa naman ng dumi. Sana sa gilid na lamang," sabi ko.

Seryosong tumingin sa akin ang magsasaka at sumagot nang "Mahal na mahal kita, Doktor kaya tuwing umaga pagtingin ko sa loob ng inidoro nakikita kita!"

Kaya sa nayon, ako ay mayroon nang isang konkretong monumento — ang inidoro.

BAKIT

DOKTOR

INIDORO

ISA

KARAMIHAN

KARANIWAN

KAYA

MARAMI

SANA

SERYOSONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with