^

PSN Opinyon

Akusasyon ni Berroya sa Viña murder

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
UMARIBA na naman si Chief Superintendent Reynaldo Berroya. Hindi ko na kayo kailangang tanungin pa, kung saan nakatutok ang kanyang hintuturo. Walang iba, sinabi mo pa, kundi kay Senator Panfilo Lacson. Wala na bang bago? Wala na bang iba? Hindi ako supporter ni Senator Lacson, pero bakit tila siya yata ang paboritong ituro kapag may napapatay na brutal? Bakit nga ba, ha, Senator Ping?

Dahil daw ang iniinom ni Viña nung siya’y pinatay ay VSOP? Beer lang yata ’yun? Biro lang ito!

Seriously, hindi sa pinagdududahan ko si Chief Supt. Berroya, okay sana ’yung sinasabi mo. Kaya lang patay na si Supt. Teofilo Viña at ikaw ngayon ang nagsasabi na binanggit sa ’yo ni Viña na si Senator Lacson ang nagpapatay kay PR man Bubby Dacer at drayber nitong si Manuel Corbito. Baka kung sina Chief Supts. Michael Ray Aquino at Cesar Mancao malapit pa. Pero si Senator Panfilo Lacson, galing na rin sa bibig mo, sir, na si Senator Lacson, legally, ay hindi maiko-connect dito sa Dacer-Corbito murder at maski na yata dito sa kaso ni Viña.

Maganda rin sana, Chief Supt. Berroya, buhay naman sina Sec. Leandro Mendoza at Director Rex Piad, kung itong dalawang ito ay lalabas upang i-corroborate ang iyong sinasabi. You categorically stated that "when pushed against the wall, Viña would start to name names." Bakit, nasadlak na ba si Viña sa pader? Hindi ba’t pa party-party pa? Sec. Mendoza, Director Piad, kayong dalawa ba ay sumasang-ayon sa sinasabi nitong si Chief Supt. Reynaldo Berroya? Sinabi ba sa inyo ni Viña na may kinalaman si Senator Lacson sa pagpatay kay Dacer at Corbito? Magsalita naman kayo, please lang! Para matapos na ang lahat ng mga spekulasyon! Hindi kasama sa "charge sheet" ang pangalang ni Senator Panfilo Lacson. Why will he (Lacson) do something to disturb this? Hindi ko rin sinasabi na malinis siya at walang kinalaman, subalit sa ating Judicial System, kailangan dito ay ebidensiya. Hindi basta "hearsay" kundi hard facts. Direct evidences that would link a man to a case. Hangang sa panahong ’yun, tama siguro si Senator Lacson na mag-no comment. Kaya lang, medyo may pagka-pikon din si Senator Ping. Lumalabas din yung mga ngipin n’ya at nagsasalita, sumasagot sa media. Huwag na, presidentiable ka na. Dapat isipin mo yan at kumilos ka nang kagalang-galang.

Bakit ko binanggit sina C/Supts. Aquino at Mancao. Eh, simpleng airthmetic.

Si Medar Cruz at si Rene Arenas ay parehong kagagaling lang sa US, tatlong araw lang nauna si Cruz kay Arenas. Hindi nagtagal, nabuwal si Viña? Kating-kati ang National Bureau of Investigation na makausap si Arenas. Ayon sa isang mataas na opisyal sa NBI, sa kanilang imbistigasyon, nang matapos ang putukan, tatlong tao raw ang nakitang may hawak ng baril. Si Cruz, ang Mayor ng General Trias at si Arenas. Naging maayos naman ang paliwanag ni Mayor. Pero itong si Arenas ay biglang nawala. Maganda rin sana kung makipag-coordinate sa inyong lingkod itong si Rene Arenas.

Gusto ko lang malaman at mailathala ang kanyang mga sinasabi. Godfather siya nitong si Medar Cruz. Nagkasama sila sa Amerika. Ilang araw lang ang pagitan nila nung umuwi, aba, eh, marami yatang kaugnayan yung dalawa. Maliwanag mga kaibigan na si Medar Cruz ay sinundo ng tatay at isa pang kasama para makisalo sa bahay ni dating Konsehal Satsatin. Nakapagtataka, kung bakit gagawa ng isang krimen ang batang si Cruz sa harap ng maraming tao at kabilang na dun ang kanyang ama.

Ito ba ay "logical". Hindi ba’t kung meron tayong gagawing malasado, eh itinatago natin ito sa ating mga magulang? Sa ating ama’t ina. Kung puwede nga protektahan natin sila. Ito’y nakita ko ng si Medar Cruz "was silent" sa tanong kung paano siya nakarating sa salu-salong `yun. Ayaw niyang madawit ang pangalan ng kanyang ama. Supt. Rosales, Cavite PNP, sir, bakit hindi malinaw (sketchy) ang report tungkol sa pagkaaresto kay Medar Cruz? Paano ba na-recover yung baril na ginamit sa pagpatay? Dun naman sa mga bodyguard ni Mayor at kung sino pang mga alalay na kasama sa parting yun. Paano nakapaglakad pa yung si Medar ng ilang metro papalayo sa lugar ng pinangyarihan ng krimen?

Ano ba talaga kuya? Gustong malaman ng publiko ’yan.

May nilulutang si Supt. Rosales na ang napaslang na si Viña daw ay namamagitan sa isang kasong kinasasangkutan ni Rene Arenas at isa pang pulis. Umuwi raw dito si Arenas dahil makikipag-areglo sa pamilya nung biktima at si Supt. Viña ang namamagitan para maayos ito. May kinalaman kaya ito sa pagpatay sa kanya? Ang gulo di po ba?

Napag-alaman ko na sinabi ni Rene Arenas na hindi niya kailangang tumestigo. Wala raw magagawa ang NBI. Ganun? Testigo ka lang ba? Hindi mo ba naiintindihan na kapag hindi ka nagpakita, maari kang masampahan ng kaso bilang suspect din sa Viña case. Matalino ka naman at naiintindihan mo ito. Naka-hold departure order ka na nga, Warrant of Arrest ang susunod díyan, kapag nasampahan ka ng kaso.

Sige, makipagmatigasan ka pa, pare ko! Para na rin sa kapakanan mo.

Para sa anumang impormasyon, reaksiyon o suggestion, maaari n’yong i-text sa akin sa 09179904918. Maaari rin ninyong itawag sa CALVENTO FILES 7788442.

ARENAS

CHIEF SUPT

LANG

MEDAR CRUZ

NTILDE

RENE ARENAS

SENATOR

SENATOR LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with