Ayon sa report dalawang sanggol ang ipinanganganak bawat segundo. Mahigit sa isang milyong bata ang ipinanganak bawat taon sa Pilipinas. Ayon sa pinakahuling ulat ng National Statistics Office ang Pilipinas ay may 80 milyong population growth rate.
Sa pagbuo ng populasyon ay apektado ang ekonomiya ng bansa. Marami ang sumuporta sa Reproductive Health Care Act. Isa sa nag-endorso nito ay si Sen. Rodolfo Biazon. Ipinaliwanag ni Biazon na noong araw umaangkat tayo ng bigas by the tens of thousands metric tons samantalang ngayon ay nag-iimport tayo ng 1.4 billion metric tons. Ang pagdami ng tao ang dahilan kaya kumukonti ang trabaho.
Ayon sa health department officials, dapat na ipatupad ang tatlong prinsipyong ito: Respect for life, use of artificial method at responsible parenthood.
Tutol ang Simbahang Katoliko sa family planning at sinabi na hindi ito solusyon sa lumulobong population at lumulubhang problemang pangkabuhayan.
Nagbanta ang mga tutol sa family planning sa mga kakandidato sa 2004 elections na hindi iboboto ng mga Katoliko. Bilang reaksyon dito sinabi ni Biazon na hindi na baleng matalo siya. Magpapahinga na lang umano siya sa pulitika.