Grupo ng sikat na abogado, weekly kung magpa-deliver ng pokpok

ALAM n’yo bang nagpapa-deliver linggu-linggo ng mga pokpok ang grupo ng isang sikat na abogado?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Atty. Jun Laguilles, Des Torres ng Akira Appliances; Romy Perez, Sally Panguito, Butch Gamboa, Jeff Reyes ng Philippine Star; Capt. Demy Bidan ng Philippine Navy at Dr. Alex Magan ng Gen. Santos City.
* * *
Alam n’yo bang linggu-linggo ay kumukuha ng mga pokpok ang isang grupo ng mga abogado sa Makati City?

Ang kanilang lider dito ay isang lawyer na sumikat noong impeachment trial ni dating President Erap Estrada.

Ayon sa aking bubuwit, mahusay namang magbayad ang mga ito sa mga kinukuha nilang mga prosti subalit may kakaiba silang ginagawa na ikinaiinis naman ng mga bayarang babae. Ang mga idine-deliver sa kanilang pokpok ay parang dumadaan sa quality control.

Ang mga ito pala ay pinaghuhubad at tinitingnan kung fake ang kanilang mga boobs at kung meron na silang anak. Talagang tinitingnan ang kanilang tiyan kung meron na bang kamot o wala.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, once a week ay nagpapa-deliver ang grupo ng mga abogado ng pokpok sa Prime Plaza na nasa Legazpi St., Legaspi Village, Makati City. Katabi ng Greenbelt Mall.

Sila ay kumukuha ng mga pokpok tuwing Huwebes. Ang kinukuha nila ay magaganda at kabilang na rito ang ilang starlet at bold actress.

Ayon sa aking bubuwit, ni-reject pa nga nila ang isang pokpok na seksing bold actress. Kaya naman ni-reject ang nasabing pokpok kahit maganda at sexy ay dahil lamang sa kanyang malalaking bumpers.

Nang kapain at salatin ang bumpers ng sexy actress ay natuklasang super tigas. Fake pala!
* * *
Ayon sa ating bubuwit, kahit hindi ginamit ang pokpok na bold actress, siya ay binayaran naman ng P20,000.

Nainsulto ang bold actress pero nagpasalamat na rin dahil hindi na siya ginamit pero binayaran pa. Yan naman ang maganda dito sa grupo ng mga abogadong ito. Hindi sila barat.

Ayon sa aking bubuwit, ang bold actress na ni-reject ng grupo nina atorni ay si Actress A.J.

At ang lider naman ng mga abogado na nagpapa-deliver weekly ng pokpok sa kanilang ‘‘condong katayan’’ ay walang iba kundi si Atty. S.F. as in San Francisco.

Show comments