Sanggol sa CR
January 13, 2003 | 12:00am
NAIMBITAHAN ako ng aking kaibigang si Ana sa birthday ng kanyang pinsan. Dahil sa wala siyang makakasama, hindi na ako tumanggi. Malayu-layo rin ang lugar kaya napagod kami sa biyahe.
Nang dumating kami sa bahay ng kanyang pinsan, namangha ako sa ganda at laki ng bahay. Kakikitaan ng pagiging mayaman. Sa loob, ang mga muwebles at iba pang mga gamit ay walang bakas ng alikabok. Ang mga larawang guhit ng mga kilalang pintor ay tiyak na malaki ang halaga. Ang mga bisita, lahat sila ay hindi maitatangging maykaya sa buhay.
Sinalubong kami ng pinsan ng aking kaibigan na ang pangalan ay Jane. Maganda si Jane. Kahawig ng isang beauty titlist. Asikasung-asikaso niya kami. Isinama kami sa hapag ng pagkain.
Nang kamiy kumakain na, muling bumalik sa aming lugar si Jane kasama ang isang may-edad na lalaki at babae na ipinakilala niyang kanyang mga magulang. Isa silang larawan ng masayang pamilya. Nag-iisa palang anak si Jane ayon sa aking kaibigan.
Makalipas ang mahigit isang oras, kinailangan na naming gumamit ng comfort room upang makapag-ayos ng sarili bago umalis.
Lumapit kami kay Jane at sinabing kailangan namin ang CR. Hindi kaagad ito nakasagot at sa wari ko ay kinabahan. Bagaman, sinamahan din niya kami.
Nang medyo malapit na kami, nakarinig ako ng kakaibang ingay. Hindi ko kaagad pinansin pero sa aming paglakad ay palakas nang palakas ang ingay. Parang iyak ng isang sanggol.
Nang hindi ako makatiis, nagtanong na ako kung may naririnig ba silang iyak ng sanggol?
Nagtinginan ang dalawa at sabay na umiling.
Itinuro ng may kaarawan ang isang pinto. Kaagad na pumasok ang aking kaibigan dito. Subalit alam kong may naririnig akong iyak ng sanggol sa katabing pinto na palagay ko ay CR din. Hindi ko napigil ang aking sarili at binuksan ang pinto kasabay ng malakas na pagtutol ni Jane. Ngunit huli na ang lahat, nabuksan ko na ang pinto at nakita ang laman niyon. Isang kuna at naroon ang isang sanggol na umiiyak. Nakaaawa ang itsura ng sanggol na animo anghel na pinagkaitan ng liwanag sa CR.
Mabilis akong lumabas sa CR subalit nasa likod ko na pala si Jane. Nakita kong umiyak siya at kasunod ay sinabi niya na, "Nabuntis ako ng aking nobyo at tinakbuhan. Malaking kahihiyan kung may makaaalam sa aking lihim."
Napamaang ako sa kanyang sinabi. Narinig kong umiyak nang mas malakas ang sanggol sa CR.
Isa si Melissa sa mga masisipag na writer ng Bagong Sibol. Siya ay 18 years old at kumukuha ng Electronics Engineering Technology sa Technological University of the Philippines.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended