^

PSN Opinyon

Sino ang susunod?

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
SUNUD-SUNOD ang pagpatay sa mga taong may kinalaman sa mga kasong iniimbestigahan. Bakit kaya?

Isang buwan matapos ang malagim na pagpatay kay P/Supt. John Campos, pinatay naman si Supt. Teofilo Viña na dating opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Si Viña ay binaril at napatay noong nakaraang Martes sa Tanza, Cavite. Siya ang hinihinalang lider ng grupo na dumukot at pumatay umano sa PR consultant na si Salvador ‘‘Bubby’’ Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Sinabi ng PNP na malaki sana ang maitutulong ni Viña sa pag-iimbestiga sa pagpatay kay Dacer.

Matatandaan din ang pagpatay noong isang taon sa Cavite sa tatlong suspek sa pagpatay kay Baron Cervantes, na binaril noong Disyembre 2001. Hindi pa man dinidinig ang kaso sa pagpatay kay Cervantes, ang mga suspek na sina Radam, Rodolfo Patinio at Dado Santos ay pawang mga patay na, at hindi na makapagbibigay pa ng impormasyon tungo sa ikalulutas ng kaso.

Kung titingnang mabuti ang mga nabanggit na pagpatay, marami ang nagpapahayag ng pangamba na ang mga kaganapang ito ay maaaring isang paraan ng paghuhugas-kamay ng mga taong may kaugnayan sa mga kaso upang hindi na matuloy pa ang pagdinig sa Korte. Kung wala nga namang tetestigo pa sa kaso, wala na ring hahantungan pa ang kaso.

Kung ganito ang takbo ng mga pangyayari, may dahilan upang mangamba tayo para sa mga susunod na kaganapan, at kung sino naman ang susunod na biktima ng karahasan. Handa man tayo sa mga susunod na pangyayari, nawa’y hindi naman sana maganap pa ang mga karahasang nabanggit, bagkus, hustisya naman sana ang manaig para sa mga nasabing kaso.

BARON CERVANTES

CAVITE

DACER

DADO SANTOS

EMMANUEL CORBITO

JOHN CAMPOS

PAGPATAY

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

RODOLFO PATINIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with