Gustong umutang ng pampatayo ng bahay

Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay 23-anyos at binata. Mag-aapat na taon na akong miyembro ng Pag-IBIG. Gusto kong magkaroon ng bahay para sa aking pamilya. Dahil sa ako ay taga-probinsiya, doon ko sana gustong magpatayo ng bahay kung saka-sakali. Dahil mayroon na kaming maliit at sariling lupa na puwedeng pagtayuan ng bahay, gusto ko sanang makautang ng pera na gagastusin sa pagpapatayo ng bahay. Paano po ang proseso? — Edwin Vergara


Maaari kang makapag-avail ng housing loan sa Pag-IBIG. Kung sa iyo nakapangalan ang lupang pagpapatayuan ng bahay, magsadya lamang sa Pag-IBIG office sa inyong probinsiya dala ang mga sumusunod na requirements:

• Income Tax Return noong dalawang nakaraang taon.

• Dalawang 1 x 1 picture.

• Certificate of Employment

• Certified true copy ng titulo ng lupa.

• Updated tax declaration.

• Payment of current real estate tax.

• Vicinity map.

• Proof of latest billing address.

Kung hindi naman nakapangalan sa iyo ang lupa, maaaring mag-execute ng Special Power of Attorney (SPA) ang inyong magulang o kamag-anak na maaaring patayuan ng bahay ang lupang kanilang pag-aari.

Sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa Pag-IBIG office, telephone number 811-41-74.

Show comments